Chapter 23

103 5 0
                                    

Lockscreen Wallpaper







MAAGA NAGISING si Zhuri. Kinusot-kusot niya ang mga mata pagkamulat. Kapagkuwan, umupo at sumandal sa headboard ng kama.

Wala sa sariling napangiti siya ng maalala ang nangyari kagabi. Well.. kung sa iba ay parang wala lang 'yon, sa kanya hindi.

"Tss... Bababa na ako. Baka hinihintay na nila tayo sa meeting room," sabi niya rito. Hindi pa rin mawala ang ngiti sa labi, ang sayang nararamdaman.

"Sabay ka na lang sa'kin, balikan na lang natin ang motor mo." Ani Sven habang nakangiti pa rin sa kanya, hindi rin mawala-wala.

Napatango siya rito, sang-ayon. "Sige," sambit niya at umayos ng upo sa passenger seat.

Binuhay naman na nito ang makena ng sasakyan at pinaandar patungong organization base.

Wala sa sariling natawa siya ng sumipol ito kalaunan habang nagmamaneho.

"May nakakatawa ba?" Nakangising tanong nito at pinagpatuloy uli ang pagsisipol habang nag-da-drive.

"Saya mo ah?"

"Of course, sino ba naman hindi sasaya? Isang Zhuri Hazatora, ang babaeng gusto ko.. napa 'Yes' ko." Pagmamalaki nito. Napailing na lang siya habang nakangiti.

Ilang minuto ang lumipas, nakarating na sila sa wakas sa organi HQ kung saan mag me-meeting ang mga highest rank. Sabay sila Zhuri at Sven bumaba ng sasakyan at naglakad patungo sa meeting room ng mga highest rank.

Pagkapasok ng silid, agad na bumungad sa kanila ni Sven ang hindi kompletong mga highest rank, may apat pa na kulang. Si Trevis, Maverick, Ruchmore at Treize iyon.

Umupo na sila sa kanilang mga upuan at hinintay ang mga kulang. Nang kompleto na, agad na nilang sinimulan ang meeting. Sandali lang iyon, plano kung paano bantayan uli ng maigi ang organisasyon.

Matapos niyon, nagsitayuan na ang lahat at lumabas na ang iba sa meeting room. Nagtungo naman agad si Zhuri kay Sven na hinihintay siya sa pinto.

"Let's go?"

Tumango siya rito. "Let's go," aniya at maglalakad na sana ng pigilan siya nito sa braso. "Bakit?" Nagtatakang tanong niya rito.

Umiling ito at maingat na pinagsalikop ang kamay nila. Uminit ang pisngi niya sa ginawa nito at parang may kung ano sa tiyan niya na nagwawala.

"Anong ginagawa mo?" Pilit na hindi mautal na sabi at natatarantang tumingin sa paligid. Nakahinga si Zhuri ng maluwang ng walang makitang tao, silang dalawa na lang. Hindi naman sa ayaw niyang may makakita, nahihiya lang siya.

"Starting tomorrow, Zhuri. I'm gonna court you. Gagawin ko ang lahat para mapa-Oo kita bilang girlfriend ko," sabi nito na parang siguradong-sigurado sa gagawin. Ngumiti ito sa kanya ng matamis. "Tara na," aya nito at hinila siya palabas ng Organi HG.

Napapikit si Zhuri nang maalala rin na hinalikan muna siya ni Sven uli sa noo ng maskara niya bago umalis.

Shit... I like him! I Freaking like him! Romantically! My gosh!

Napatingin siya sa bedside table ng magvibrate ang phone niya. Mabilis na kinuha niya iyon at tiningnan kung sino ang nag text.



Sven-ven de sa rapen:

Goodmorning <3



Wala sa sariling napangiti siya sa text na nabasa. At sa pangalan ni Sven... Narinig lang ni Zhuri somewhere ang kantang pen pen de sa rapen. Nang pumasok sa isip niya ang pangalan ni Sven, sinubukan niyang ikompera iyon sa kanta at ilang sandali lang, pinalitan na niya ang pangalan ni Sven sa caller at messages niya.



WickedWhere stories live. Discover now