Chapter 20

111 6 0
                                    

Jealous






MATAPOS mag-halfbath ni Zhuri, isinuot niya ang bathrobe at pumunta sa walk in closet para tingnan lahat ng damit na nakasampay sa malaki at mahabang cabinet.

Kinuha niya ang kulay pulang jumpsuit at itim na stiletto. Kapagkuwan, tumingin sa kanang bahagi niya kung na saan nakalagay ang mga maskara.

Binuksan niya ang isang malaking cabinet, at bumungad sa kanya ang maraming iba't ibang klase ng maskara.

Pinasadahan niya ng tingin isa-isa ang mga maskarang naka display. Sa huli, pinili ni Zhuri ang kulay itim at may design na itim na dragon sa kitsune half mask.

Pinagkumpara niya ang maskarang hawak niya ngayon sa maskarang lagi niyang suot. Ang maskarang hawak niya ay makikita ang mata niya at bibig, kumpara sa isa ay hindi kita ang mata, ang mukha.

Zhuri looked at the wall clock. Nang makitang mag-gagabi na, napairap siya sa hangin at sinuot na ang  napiling damit.

Nang matapos niyang magbihis. Lumabas siya at pumunta sa dressing table. Umupo siya sa maliit na stool kaharap ang hindi kalakihang salamin. Tama lang ang laki.

She put make-up on her face. Light make-up lang dahil hindi niya gusto ang dark make up. Nang matapos na.. kinuha niya ang lipstick na pink.

Napatingin si Zhuri sa salamin ng matapos na siya. Malalim siyang napabuntong-hininga nang makita ang sarili. Parang hindi siya, naninibago siya sa itsura niya. First time niyang makita ang sarili na naka make-up.

"Why am I doing this shit?" Tanong sa sarili nang mapagtanto ang ginagawa.

This is not you, Zhuri. "What are you doing?" Kausap sa sarili dahil hindi niya talaga alam kung bakit niya ito ginagawa.

Napatingin si Zhuri sa phone niya na nasa bedside table nang marinig na mag ring yon, hindi niya pala na silent. Tumayo siya at tiningnan ang tumatawag. Si Sven.

Akmang sasagutin niya ang tawag ng tumigil na. Napabuntong-hininga na lang siya at papatayin na sana ang phone dahil wala ng kasunod nang mag-vibrate naman.



Sven:

I'll see you at the party, Zhuri. Sorry, I won't do it again.



Hindi ni Zhuri ito nireplayan. In-off niya na ng tuluyan ang phone at ibinulsa na sa jumpsuit niyang suot.

Nagtungo siya sa life size na salamin at kinuha ang half kitsune mask. Sinuot niya iyon at malalim na napabuntong-hininga.

This is it.

Lumabas na siya ng silid at kinuha ang susi ng BMW na nakasabit sa likod ng pinto. Lumabas na siya ng mansion at nang makasakay na sa BMW 18 coupe, pinaandar na niya iyon patungo sa ibinigay na address.

.
.
.
.
.
.

Nang mapark na ang kotse, tiningnan muna ni Zhuri ang organization private club na sinasabi. Isa ito sa pag-aari ng boss nila na wala ni isang tao o member ang pwedeng pumunta kaya hindi siya makapaniwala na rito magaganap.

Huminga siya nang malalim. Kapagkuwan, bumaba na ng sasakyan at taas noong pumasok.

"Who is she?" Rinig niyang tanong ng isang lalaking nasa likuran niya na nakita siya. Lihim na napangisi siya sa mga ito.

"Bago ba siya? Ngayon ko lang siya nakita."

"Shit! Ang ganda niya."

Hindi ni Zhuri pinansin ang mga ito, deretso lakad lang siya papunta sa table ng mga highest rank.

WickedNơi câu chuyện tồn tại. Hãy khám phá bây giờ