Chapter 48

85 5 0
                                    

Bad feeling






NANG MAPATAY na ang natitirang tauhan ni Lim Huang na sumugod sa kanya, kinuha ni Zhuri ang baril nito at lahat ng madaanang cctv ay pinagbabaril niya.

Mabilis at dere-deretso ang lakad niya papunta sa pinaka dulo ng hallway. Nang makarating, tinapon niya ang baril na wala ng bala at kinuha ang dalawang katana na nakasabit sa likod niya.

Inilapat ni Zhuri ang likod sa pader na katabi ng pinto. Kapagkuwan, hinawakan at doorknob at pinihit pabukas.

Hinintay niyang may sumilip na tao. Nang may makitang sisilip na tauhan, ini-ready niya na ang katana.

Mabilis na pinugutan niya ng ulo ang taong sisilip nang makalapit ito sa pinto, at mabilis na pumasok sa loob.

Agad siyang napadapa at nagpagulong-gulong sa sahig ng pagbabarilin siya ng mga tauhan ni Lim Huang.

Nang makatiyempo, kinuha niya ng throwing knife na dala niya at pinalipad sa mga ito.

Hindi na ni Zhuri pinanood na mamatay ang mga ito, sumugod na siya at gamit ang katana ay mabilis ang galaw na pinagpapatay niya ang mga tauhan ni Lim Huang.

Nang matapos niyang patayin lahat ng alagad, hinihingal na napatingin siya sa nag-iisang kalaban niya.

Si Lim Huang.

Nakangisi ito sa kanya at pumalakpak pa. "Bravo! Ms. Bloody girl! Pinahanga mo na naman ako," wika nito at kinuha ang katana na naka display sa pader. "Tingnan natin kung ako rin ba ay mapapatay mo."

Pinaikot ni Zhuri ang katana sa kamay niya at pinosisyon ang sarili. Nakatayo siya ng tuwid habang ang katana na hawak ay nakababa. Ngumisi siya. "Of course mapapatay kita. I'm one hundred percent sure of that."

Nawala ang ngisi sa labi ni Lim Huang at madalim na tiningnan siya. Ilang sandali, ito na ang unang sumugod.

Mabilis ang galaw nito, pero mas mabilis siya. Nang maka tiyempo si Zhuri, payukong pumunta siya sa likod ni Lim Huang at sinipa ng patagilid ang paa nito.

Akmang matutumba ito ng ekspertong itinungkod nito ang hawak na katana sa sahig at mabilis na tumayo. Sinugod ulit siya nito at kaliwa't kanan uli ang tamaan ng kanilang katana.

Bahagyang napayuko si Zhuri ng muntikan na siyang tamaan ng katana nito.

Napangisi ito pero agad rin nawala nang madaplisan niya ang balikat nito ng mapatayo siya ng tuluyan galing sa pagkayuko.

"How dare you," tiim-bagang sabi ni Lim Huang sa kanya at galit na sinugod siya.

Agad na naalerto si Zhuri at napaiwas-iwas sa katana nito.

Nang mapadpad siya sa likod nito, akmang susugod siya ng biglang sumakit ang paa niya.

Mabilis na napatingin si Zhuri sa pinto at nakita niya ang limang tauhan ni Lim Huang na pumasok sa loob.

Kuso.

Tatayo na sana siya para sugurin ang mga kalaban ng maitapat ni Lim Huang ang matulis na bahagi ng katana nito sa leeg niya. "Game over, Miss Bloody girl," anito na ikinaigting ng panga niya.

Gusto ni Zhuri ito sugurin at kuhain ang katana nito dahil madali lang naman iyon para sa kanya, ang kaso... nahawakan na nang mahigpit ng tatlong tauhan nito ang balikat niya at kamay niya.

Kinuha ni Lim Huang ang katana niya at sinabunutan ng isang tauhan nito ang buhok niya sanhi para mapatingala siya.

"I can't believe na ako lang pala ang makakapatay sayo, Miss Bloody girl." Pagyayabang agad ni Lim Huang at humalakhak pa. Lumapit ito sa kanya at sinuri ng tingin ang buong katawan niya. "Hmm... Bago ka man mamatay, dapat matingnan ko muna ang mukha mo 'no? Naku-curious kasi ako kung ano ang hitsura ng pinaka bunsong anak ng Hazatora."

WickedWhere stories live. Discover now