Chapter 29

88 5 0
                                    

Did I?





"BLOODY." Napalingon si Zhuri kay Trevis. Kakapasok pa lang niya sa organization base ng tawagin siya nito.

Lumapit ito sa kanya kasama sila Treize, Maverick, Callez, Ruchmore at Jaxit.

"Hey, Miss Bloody!" Bati ni Jaxit.

"Good morning, Bloody."

"Hi!"

"Hello?"

"Morning."

Bati sa kanya ng mga ito ng makalapit. Hindi niya ito pinansin, tumingin siya kay Trevis na ang kamay ay nasa magkabilang bulsa ng cargo shorts na suot. "Is there a problem, Trevis?"

"Let's talk about what you did yesterday," sagot nito sa kalmadong boses.

Napasipol si Maverick dahil sa sinabi ni Trevis at bumulong pa kay Callez na kunot ang noo tulad ni Ruchmore at Jaxit. Samantalang si Treize ay nakatingin lang sa cellphone nito dahil may ka-text.

"No need to talk about it, Trevis. I will only do that once," walang ganang aniya.

"That's good then."

Dumapo ang tingin ni Zhuri kay Maverick nang bumulong ito kay Trevis. Rinig na rinig niya iyon dahil malakas ang pagkakabulong.

"Tol, nu meron?" Bulong nito kay Trevis.

Hindi ito pinansin ni Trevis, tumingin ito sa kanya at sinabing... "Anyways... They work well."

Napatango si Zhuri sa komento ni Trevis at tumingin naman kay Callez na bumubulong kay Maverick. "Care to tell me you two? Kung ano ang mga pinagbubulong niyo sa isa't isa?" Malamig ang boses na sabi sa dalawa na ikinatigil ng mga ito. Naiirita na siya sa mga ito, kaya nagtanong na siya.

Narinig niyang tumikhim si Treize kaya napatingin siya roon. "Mauuna na ako," paalam ni Treize sa kanila at maglalakad na sana paalis ng mahinto.

Napatingin silang lahat kung saan nakatingin si Treize. Automatikong sumilay ang matamis na ngiti ni Zhuri sa labi nang makita si Sven na may dalang bouquet. It's a pure red rose.

Naka plain long sleeve polo kulay puti ito, at black shorts. Bukas ang dalawang butones sa itaas at nakatupi ang sleeves hanggang siko.

Narinig niyang may sumipol ulit. At tulad kanina, hindi ni Zhuri ito pinansin. Nakatuon lang ang mga mata niya kay Sven na papunta sa gawi niya.

Nang makalapit na ang lalaki, agad nitong ibinigay ang bouquet sa kanya. Tinanggap naman ni Zhuri iyon. Magsasalita sana siya nang maunahan siya ni Jaxit na nasa gilid na pala ni Sven.

Nakarinig ulit siya ng sipol mula sa likuran niya kaya napairap siya sa hangin.

"Nu meron?" Kuryosong tanong ni Jaxit kay Sven. Nang maramdaman nitong nakatingin siya, napa-piece sign ito at tumingin kila Trevis na sinusubukan sumagap ng chismis kay Jaxit. "Oy! Mga pre! May pupuntahan tayo 'di ba?" Palusot agad nito.

Dahan-dahang napatango naman sila Maverick at Callez sa sinabi ni Jaxit.

"O-Oo nga 'no?" Si Maverick at pilit na ngumiti.

"Hayst! Tara na nga! Mga gurang na talaga kayo," ani Jaxit na ikinasama ng tingin ng tatlo, pero walang nagsalita.

Hinila na ni Jaxit sila Maverick, Callez at Ruchmore. Samantalang si Treize ay kusang umalis dahil may pupuntahan pa siya. At si Trevis naman ay nakatayo pa rin sa pwesto nito at nakatingin kay Sven.

Kumunot ang noo ni Zhuri ng mahuling pasimpleng ngumisi si Trevis habang nakatingin kay Sven. Tumingin siya kay Sven, at nalamang nakatingin rin ito kay Trevis. Matalim ang tingin.

WickedWhere stories live. Discover now