Chapter 58

82 2 0
                                    

The truth






PABALIK-BALIK si Zhuri ng lakad. Nandito siya ngayon sa mansion ni Sven, hinihintay ang lalaki.

She was overthinking right now. Tatlong araw na siya rito sa mansion at ni isa wala siyang makitang anino ni Sven.

She was overthinking na paano kung hindi talaga siya mahal ni Sven?

Like—Sven was acting all along. Paano kung pati ang pinapakita nito ay acting lang rin?

Sven said she need to trust him. But how!?

Paano niya magagawa yun kung ang daming pumapasok sa isipan niya na ikinakaba niya at takot.

Sabi nito hintayin niya ito rito sa mansion, pero 3 days na! Wala pa ito.

Paano kung sinabi lang nito iyon para mapanatag siya kahit konti?

Kuso!

Napahilamos si Zhuri sa sariling palad. Naiiyak na siya sa mga naiisip niya.

Sumilip ulit siya sa labas ng bintana para makita kung may kotse na bang dumating, pero wala.

Relax, Zhuri. Relax...

Pagpapakalma niya sa sarili. Hindi dapat siya kabahan. Sven already saw her face, means papakasalan siya nito kaya wala itong kawala.

Nakahinga siya ng maluwang sa naisip na iyon pero panandalian lang nang may pumasok na naman sa isipan niya.

Paano kung malaman ni Sven na nagsisinungaling siya? Na hindi talaga siya gumagamit ng proteksiyon dahil dysfunctional siya?

Oh, fuck! Paano niya sasabihin iyon? Sasabihin ba niya?

Nanlulumong napaupo si Zhuri sa sofa at huminga ng malalim.

Kung hindi niya sasabihin iyon, malalaman pa rin iyon ni Sven... Dahil walang sekretong hindi nabubunyag. At kapag hindi pa niya sinabi agad ay lalong lalaki ang porsyentong magagalit ito.

Kuso! What am I going to do?

She loves Sven, hindi niya kakayaning mawala ito.

Zhuri signed and try to relax herself. Nawala ang negatibong pumapasok sa isipan niya. She was happy thinking na si Sven pala ang tumulong sa kanya dati pa. Small world, huh? Pinaghalong saya at takot ang nararamdaman niya. Kinakabahan at natatakot siya sa sasabihin nito pag nagkita na sila.

Ano kayang sasabihin ni Sven sa kanya? Ie-explain ba sa kanya ang lahat kung bakit ito nagpanggap at tapos, ano?

Fuck! Trust him, Zhuri! Trust him... He loves you, okay?

Pero mamahalin pa ba siya kung nalaman na nito ang nakaraan niya? Na isa siyang sex slave? Na natikman na siya ng ibang mga lalaki?

Mamahalin pa ba siya kung malalaman nito na dysfunctional siya? Na hindi sila magkaka-anak pag kinasal sila?

Napatigil si Zhuri sa kakaisip nang may marinig na kumalabog galing second floor ng mansion.

Nagsalubong ang kilay niya at tumayo mula sa kinauupuan para silipin ang dereksiyon ng hagdanan. Wala siyang ibang kasama sa mansion kundi si Goldy lang.

Nang maisip na si Goldy ang may gawa niyon ay umakyat siya ng hagdan para tingnan kung ano ang natumba ng aso.

Kumunot na ang noo ni Zhuri nang makarating sa second floor at nakitang bukas ang pinto ng master bedroom. Sa pagkakatanda niya ay sinarado niya ang pinto ng master bedroom bago pumunta sa living area.

WickedWhere stories live. Discover now