Chapter 18

124 5 0
                                    

The spy






NANG MAKAUPO, lihim na nilibot ni Zhuri ang paningin sa buong paligid ng meeting room.

Nandito silang lahat sa meeting room dahil ia-announce na kung sino ang magiging Nineth highest rank. Ang papalit kay Agartha.

Nang kompleto na silang lahat, nag-simula ng magsalita ang emcee nila na si Pibs. "Morning, everyone. We are here to announce who will be the new Ninenth highest rank." Sa sinabi nito, nagsimulang magbulungan ang mga tao sa loob. Halata sa mga mukha na hindi makapaniwala.

Hindi ni Zhuri pinansin ang mga reaksiyon ng mga ito kundi, tumingin siya kay Agartha na walang emosyon ang mukha. Iniwas niya ang tingin dito at tumingin kay Sven na nakatingin pala sa kanya.

Mabilis itong umiwas ng tingin nang mahuli niya.

"Silent, everyone," pagpapatahimik ni Pibs sa lahat na ikinatahimik naman ng lahat.

Tumayo na ang director at pumunta sa harap kung saan nakatayo si Pibs. "Agartha made a deal with that person. Surprisingly, Agartha was defeated," paliwanag ng director sa lahat. "You know the rules, everyone. Deal is a deal."

"Who is that person?" Pormal na tanong ni Maverick sa director. Halatang hindi pa alam ang nangyari kay Sven at Agartha.

"That person is.. Sven. Sven Contreras," anunsiyo ni Pibs sa lahat. "Sven is our new Ninenth highest rank." Tumingin ito kay Sven na nakikinig lang at.. bored? Parang bored na bored ito. Pinagkibit-balikat na lang iyon ni Zhuri at hindi pinansin. "Congratulations," nakangiting bati ni Pibs.

Bumati na rin ang iba kay Sven. Nang matapos, magsasalita pa sana uli si Pibs nang magsalita si Trevis.

"Excuse me. I'll just take this call," anito sa lahat nang mag ring ang phone nito. Sinagot nito ang tawag at ilang sandali, kumunot ang noo nito at nagmamadaling pinatay ang linya ng kausap nito. "All the highest rank. Let's go to the organization Hotel," wika nito na ikinatayo agad lahat ng mga highest rank.

"What happened?" Tanong ni Trace kay Trevis.

"The spy is in the organization hotel," maikling sagot nito na ikinaalerto ng lahat. "Maiiwan na namin kayo rito. Ang mga highest rank lang ang pupunta roon," anunsiyo sa lahat at una ng lumabas ng silid.

Tumingin muna si Zhuri kay Sven na nakatingin sa kanya bago lumabas. Mukhang hinihintay siya nito na lumabas. "Let's go," sabi niya rito at lumabas na rin ng meeting room.

Mabilis ang lakad na nag si-puntahan sila sa kani-kanilang sasakyan. Sumakay si Zhuri sa motor at agad itong pinaharurot papuntang hotel organization.

Nang makarating, mabilis siyang naglakad papunta sa dalawang tao na nakatayo sa entrance. Hinihintay silang dumating.

"Asan ang spiya?" Walang emosyon na tanong niya sa mga ito.

Yumukod muna ang mga ito sa kanya bilang paggalang bago sumagot. "Ayon sa binalita sa amin. Nasa fifth floor pa raw siya, hindi pa nakakaalis, nagtatago lang." Sagot ng mga ito. Napatingin ang mga ito sa likod ni Zhuri at nang makita ang mga highest rank na nakarating na, yumukod uli ang mga ito.

Hindi na ni Zhuri hinintay ang paliwanag ng dalawang lalaki sa ibang mga highest rank. Mabilis siyang naglakad papasok ng hotel.

Hindi siya gumamit ng elevator, kundi ang exit door ang ginamit niya. Mabilis ang lakad niya paakyat, huminto lang nang may makasalubong.

Nakasalubong ni Zhuri ang lalaking nakaitim ng puro. Ang spiya.

Bago nito itutok ang baril sa kanya, nahuli niya na agad ang kamay nito at binali na ikinasigaw nito sa sakit.

WickedWhere stories live. Discover now