Chapter 31

83 6 0
                                    

Chen






KALIWA'T KANAN ang tingin ni Zhuri papunta sa hagdan. Nang makarating, aktong bababa na siya ng makita ang sandamakmak na tauhan ni Wú Chen na nakaabang sa second floor.

Mabilis na nagtago siya sa pader nang magsiliparan ang mga bala ng baril ng mga ito sa gawi niya.

"Shit," pabulong na mura ni Zhuri sa kawalan.

Kinuha niya ang apat na throwing knife na dala niya na nakalagay sa leg sheath holster.

Nang tumigil ang mga ito. Pahiga na lumabas si Zhuri sa pinagtataguan and she threw the four knives she was holding at the four men nearby.

Nang mapatay ang mga ito. Nagtago ulit siya ng simulan ulit siyang barilin ng mga natirang lalaki.

Kinuha ni Zhuri ang isang magazine na dala ng wala ng bala ang baril na hawak niya. Nang matigil na ang mga ito sa pagpapaputok, huminga siya nang malalim at lumabas na sa pinagtataguan.

Habang pinapaputukan niya ang mga ito ng bala. Mabilis na naglakad siya pababa ng hagdan.

Sinipa niya ang hawak na baril ng isang lalaki nang makalapit siya rito. When Wú Chen personnel tried to shoot her again, she shot the guy in the stomach and made his body a shield.

Zhuri continued to shoot Wú Chen's men while shielding herself with the body of the man she was holding.

Nang makalapit sa isa. Binato niya ang katawan na hawak sa mga tauhan ni Wú Chen na ikinaagaw ng pansin.

Mabilis ang galaw ni Zhuri na tinutok ang baril sa isang lalaki sabay kalabit ng gatilyo. At tulad kanina, ginawa niya ulit itong kalasag na hindi rin tatagal dahil tatagos ang bala sa kanya.

Ramdam niyang lumapit sa kanya ang lahat ng mga tauhan ni Wú Chen, handang kalabanin siya ng walang dalang baril.

Binitawan ni Zhuri ang patay na katawan at lihim na nilibot ang tingin niya sa mga lalaki na nasa bente ang dami at may dalang baseball bat at iba pang matatalim na bagay.

"Tol, babae... Easy lang 'to," wika ng isang lalaking nakangisi.

"Oo nga tol. Ganda katawan," ani ng isa.

Napatingin si Zhuri sa isang lalaki at inalerto ang sarili ng sumugod na ito sa kanya. Sunod naman ang isa.

Mabilis na ibinalik niya ang baril sa balikat niya at umilag-ilag sa mga ito at sa mga bagay na hawak. Nang makatyempo si Zhuri, hinuli niya ang kamay ng isang lalaking malapit sa kanya at siniko ito sa tiyan. Aktong lalapit na ang isa sa kanya ng masipa niya ang tiyan nito na ikinaatras nito, sunod naman ang isa na lalapit din sana sa kanya.

Napatingin siya sa isang lalaki na may dalang baril. Aktong babarilin na sana siya nito ng masipa niya ang baril na hawak nito. Mabilis ni Zhuri kinuha ang pistol gun niya at binaril ito, sunod naman ang lima na susugod sa kanya.

"Fuck," mura niya ng madaplisan siya sa braso ng bala dahil hindi inaasahan na may isa rin lalaking may dala na baril.

Binitiwan niya ang hawak na katawan dahil tumatagos na ang bala. Napatigil naman ang lahat sa pagsugod sa kanya at hinintay na siya ang unang sumugod.

Kinuha ni Zhuri ang natitirang pistol gun sa leg holster. Hawak ang dalawang baril niya, itinutok niya iyon sa mga lalaking kaharap, binabantayan kung sino ang unang susugod sa kanya.

Akmang susugod na ang isa ng mabilis itong humandusay sa sahig dahil sa tama ng bala sa ulo. Napatingin si Zhuri kung sino ang gumawa niyon. At nang makita si Sven, napangisi siya.

WickedWhere stories live. Discover now