Chapter 12

133 5 0
                                    

The Dog






NAPABUNTONG-HININGA si Sven habang pinapakinggan ang mga sinasabi ni Jaxit sa kanya.

Nandito sila ngayon sa organization hotel. Paalis na sana sila kanina ni Goldy nang sumulpot bigla si Jaxit.

"Ano ginagawa mo rito?" Kunot-noong tanong niya kay Jaxit.

Umawang labi nito nang makita ang aso niya. "Hala may aso! Ang cute!" Lalapit na sana ito ng tahulan ito ni Goldy. "Ay! Parang amo lang! Medyo masungit sa una!"

Kumunot-noo ni Sven sa sinabi nito. "Ako? Masungit?"

Tumingin ito sa kanya. "Oo, konti lang! Minsan kasi pag kinakausap kita parang wala kang gana!" Pagmamaktol nito sa kanya at umakbay.

Tumahol-tahol naman si Goldy sa ginawa ni Jaxit. "Bakit ka nandito?" Tanong ulit sa lalaki.

"Bakit? Hindi naman binago yun rules, ah?" Umayos ito ng tayo at hinawakan ng isang kamay nito ang sariling baba na parang nag-iisip. "Pagkaka-alam ko, pwedeng pumunta rito kung kailan gusto mo."

"Hindi mo na lang sinabing bumisita ka rito," walang ganang aniya.

Tumawa ito. "Ito naman! Hindi mabiro!" Umakbay ulit ito sa kanya. "Tara! Lunch tayo!"

At yun na nga, nalaman na lang ni Sven na iniwan niya si Goldy sa bahay niya at sumama kay Jaxit.

"Grabe! Nakita mo kanina? Sigurado akong nakita mo dahil kausap mo si Ms. Bloody."

Kumunot ang noo niya sa sinabi nito. "Ang alin?"

"Si Trevis at Ms. Bloody tinutukoy ko! Magkasama ulit, close talaga yung dalawang yon," sagot nito na ikinaigting ng panga niya.

Nakaramdam siya ng inis sa sinabi nito. Close? "Paano sila naging close?"

Bumuntong-hininga ito. "Paano ba naman kasi, minsan magkasama yun dalawang 'yon. Usap-usapan nga rin noong nakaraang meeting na naiwan silang dalawa sa meeting room. Hindi na ako magugulat kung magiging sila, halata naman may gusto si Trevis kay Ms. Bloody," nakangiting sagot nito.

Si Trevis? May gusto kay Zhuri?

Inis na tanong sa isipan. Hindi niya alam kung bakit naiinis siya.

Napaismid siya rito. "Si Trevis? Gusto si Zhuri?" Paninigurado niyang tanong kay Jaxit.

"Oo! Usap—"

"Usap-usapan din?" Pagtutuloy niya. Isinandal niya ang likod sa sandalan ng upuan.

Chismis nga naman...

Magsasalita na sana si Jaxit ng umawang ang bibig nito, halatang gulat sa nakita. "Sabi ko na nga ba, hindi na ako magtataka."

Kumunot na naman ang noo niya at tiningnan ang tinutukoy nito.

Oh Fuck! Fuck! Fuck! Fuck!

Nakita ni Sven si Zhuri at Trevis, mag kasamang pumasok sa restaurant ng hotel organi. Sa hindi malamang kadahilan, nakaramdam siya ng selos.

Wala sa sariling tumaas ang isang kamay niya. "Zhuri!" Tawag niya sa babae sabay kaway.

Alam ni Sven na nagulat si Jaxit sa pagtawag niya pero hindi niya iyon pinansin.

Tumingin sa gawi nila si Trevis at Zhuri. "Nandito pala kayo." Si Trevis at pumunta sa gawi nila.

Tumabi sa kanya si Zhuri nang makalapit sa kanila ni Jaxit kaya napangiti siya pero hindi sobrang lapad. Tumabi naman si Trevis kay Jaxit.

WickedWhere stories live. Discover now