Chapter 41

90 3 0
                                    

Thank you



Spg


INILAPAG lahat ni Zhuri ang ingredients sa island counter. Kapagkuwan, sinimulan ng lutuin ang paboritong pagkain ni Sven.

Busying-busy siya sa pagluluto ng pork menudo. Ilang sandali, habang nagluluto. Naramdaman niyang may pumulupot na braso sa beywang niya at niyakap siya ng mahigpit mula sa likuran.

Napalingon siya kay Sven na nakayakap sa kanya at ang baba nito ay nasa balikat niya.

"May kailangan ka?" Tanong niya rito.

"Wala," mabilis na sagot nito at tumingin sa niluluto niya.

Napairap na lang si Zhuri at nailing. "Clingy, huh.." nakangising aniya at pinagpatuloy ng magluto.

Ganoon lang ang posisyon nilang dalawa, hanggang sa matapos na si Zhuri magluto.

"Gusto mo tikman?" Tanong niya bago patayin ang kalan. Tinutukoy ang niluto niyang pork menudo.

Tumango ito. "Yep. Gusto ko tikman kung masarap," tugon na ikinairap niya.

"Masarap ako magluto, ikaw ang hindi," saad niya. Napanguso ito na ikinailing niyang nakangiti.

Sumandok na siya ng kaunting sabaw para ipatikim kay Sven kung maayos na ba ang lasa. "Here, taste it," aniya.

Napangiti ito ng matikman. "Hmm.. sarap, parang ikaw." Pilyong anito at nagtaas-baba pa ng kilay.

"Stop it, Sven." Suway agad rito at mahinang pinitik ito sa noo. "Ayusin mo na yun mga plato sa lamesa, kakain na tayo," utos niya at humiwalay na sa yakap nito.

"Yes, ma'am," tugon nito at naglakad na papuntang dining area.

Napabuntong-hininga na lang si Zhuri sa kakulitan ni Sven at nilagay na sa mangkok ang menudo na niluto. Kapagkuwan, dinala sa dining area.

Awtomatikong napangiti siya nang makita ang set up ng lamesa. Para silang nagda-date sa ginawa ni Sven. May kandila sa gitna at red wine. Maayos ang pagkakaset up ng mga plato, kutsa't tinidor at wine glass.

"Okay na ba?" Napabaling si Zhuri kay Sven nang magsalita ito.

Naglakad siya palapit dito at nilapag muna ang pagkain na dala sa lamesa bago sumagot. "Grabe naman yun pag-ayos mo," sagot niya at matamis na ngumiti. Akmang babalik siya sa kusina para kuhain ang kanin nang pigilan siya ni Sven.

"Ano kukuhain mo sa kusina? Ako na kukuha, maupo ka na rito." Marahan na sabi nito sa kanya.

"Yun kanin," tugon niya na ikinatango nito at naglakad na papuntang kusina para kuhain ang kanin.

Umupo na siya sa isang upuan at hinintay si Sven na dumating. Habang hinihintay, hindi maiwasan ni Zhuri na mamangha sa ginawa ni Sven. Ang saya niya ngayon, hanggang sa may pumasok sa isipan niya na ikinawala ng sayang nararamdaman niya.

Gagawin pa kaya ni Sven ang mga ito kung malaman nito ang nakaraan niya?

Mamahalin pa kaya ako ni Sven?

Hindi ni Zhuri maiwasan matakot na baka iwan siya ni Sven pag nalaman ang nakaraan niya.

Kung iiwanan siya nito, siguradong madudurog siya ng sobra dahil minahal na niya ng sobra ang lalaki.

Kaya hinihiling niya na sana, sana wag magkatotoo.

Alam niyang malalaman naman nito, dahil ika nga ng iba 'walang sikretong hindi nabubunyag'.

WickedWhere stories live. Discover now