Chapter 11

132 3 0
                                    

First highest rank







TAAS NOONG pumasok si Zhuri sa conference room ng mga highest rank. Pagpasok, bumungad sa kanya ang mga highest rank na nakaupo na sa mga upuan nito, pati na rin si Erech at ang herald.

Umupo siya sa upuan niya at tumingin sa dalawang lalaking nag-uusap sa harap.

Si Treize at Trevis.

When Trevis saw that they were already complete, bumalik na ang dalawa sa sariling upuan.

"Let's start," anunsiyo ni Trevis sa lahat at pinabuksan ang flat screen Tv.

Napaayos siya ng upo at seryosong tumingin sa malaking TV. Itim lang iyon, wala kang makikita kundi ang voice frequency.

"Good morning. I'm Devon Daveroux, the first highest rank," makapangyarihang boses pagpapakilala nito sa kanila ng magstart na ang meeting.

Sandaling napakunot ang noo ni Zhuri. Higit sa ngayon niya lang narinig ang boses ng first highest rank, pamilyar pa ang boses sa kanya. Narinig na niya ang boses na iyon.

"We're here to discuss the plan kung paano natin masi-secure nang maayos ang organisasyon dahil dalawa ang ispiya. Trevis, you may now speak," pormal na sabi nito.

"Nasisigurado natin na dalawa ang spiya sa organisasyon pero isa lang ang gumagalaw. Alam kong nagtataka kayo kung bakit isang spiya lang ang sinabi ko sa lahat ng members... Ang dahilan, ay ayaw kong malaman nila na dalawa ang spiya. Actually, hindi nga dapat sasabihin sa mga members para hindi rin malaman ng spiya na alam natin, pero para sa kapakanan ng mga members natin sinabi ko, para makapaghanda sila sa sarili nila." Huminga ng malalim si Trevis at tinukod ang isang siko sa lamesa sabay hawak sa labi para haplusin. "For now, ang dalawang spiya ay hindi pa nagpaparamdam, mukhang nag-iingat ang mga ito. Ang plano, hihintayin natin ang spiya sa organisasyon na gumalaw para mahuli. Habang hindi pa ito gumagalaw sa mga plano nito, magbabantay at magbabantay ulit tayo ng maigi sa organisasyon."

Napatango sila rito, naiintidihan. Napabuntong hininga si Zhuri. "I received a message," sambit niya kay Trevis. Napatingin sa kanya ang lahat. "Unknown number, of course."

"What does the unknown number say?" Pormal na tanong ni Devon sa kanya. Malalim ang boses nito, tulad ng kakilala niyang lalaki. Tumingin siya sa TV..

"Sabi niya. This is not joke, be careful," sagot dito. "I tried to track his or her number. At sa kasamaang palad, hindi ko ma-track. Nag e-eror, masyadong magaling sa technolohiya ang nagpapadala ng message sa atin."

Tumango si Trevis sa kanya, mukhang naiintidihan siya pati na rin ang lahat. "Unknown number. Isa iyan sa pina-imbistigahan ko sa ngayon. Gusto malaman kung bakit sinasabi ang mga ito sa atin. Hindi alam kung kakampi o kalaban na gusto tayong paglaruan."

"This is really a serious problem kung ganon." Si Trace. Napatingin silang lahat sa babae.

"Anong akala mo? Laro?" Tanong ni Ruchmore kay Trace na naka taas ang dalawang kilay.

Inirapan ito ni Trace. "Kind of, so shut up."

"So that's our plan for today, everyone. End of discussion," anunsiyo ng first highest rank sa lahat. Ilang sandali lang, nawala na ito sa linya.

"That's all, everyone. You may now leave." Si Trevis.

Nagsi-tayuan na silang lahat nang matapos ang mahabang meeting. Wala sa sariling napatingin si Zhuri sa screen ng TV ng maalala ang kaninang iniisip.

Devon Daveroux.

The first highest rank and the only son of Mr. Daveroux, the boss in the organization.

Wickedحيث تعيش القصص. اكتشف الآن