Chapter 2

308 8 0
                                    

The new member

»»————- ☠ ————-««






Kaliwa't kanan ang putok ng baril niya, lahat ng nadadaanan niyang kalaban walang pag-aalinlangan pinagpapatay ang mga ito.

Taas noo na tumayo si Zhuri sa gitna ng hallway nang mag-silabasan ang mga babaeng biktima.

"Where is he?" Tanong niya sa computer hacker niya. Nagsuot siya ng earpiece bago pumasok sa malaking mansion para makausap niya si Erech, ang computer hacker niya, para malaman kung na san ang target nila ngayong araw.

[Nasa fourth floor,] tugon nito.[Pumunta ka sa kaliwa, may elevator doon,] dagdag nito at sinunod niya iyon.

Naglakad siya pakaliwa at lahat ng madaanan na kalaban, pinagbabaril niya habang mabilis na naglalakad sa gitna ng hallway.

Kaliwa't kanan at likod ang tingin kung may susugod na kalaban. Nang makitang wala, pumasok na siya sa elevator at pinindot ang fourth floor.

[Maghanda ka, maraming naghihintay sayo sa taas,] wika ni Erech sa kanya. Tumango siya sa kawalan at nang makalapag na sa fourth floor. . .

Matalim na tiningnan ni Zhuri ang mga lalaking susugod sa kanya. Una niyang sinugod ang lalaking malapit na sa kanya. Akmang itututok ang baril ng mahuli niya ang kamay nito at walang pag-aalinlangan na binali.

Agad niyang ginawang kalasag ang katawan ng lalaki ng pagbabarilin siya ng mga kalaban.

Kinuha ang pistol gun na nakalagay sa leg holster niya at tinutok sa mga kalaban sabay kalabit ng gatilyo.

Malakas na tinulak niya ang hawak niyang patay na katawan sa kalaban at malakas na sinipa ang malapit sa kanya na lalaki. Mabilis na pinangharang ni Zhuri ang katawan ng lalaki na sinipa niya nang akmang babarilin siya ng dalawang lalaki na naka-kulay itim.

Ilang minuto lang ang lumipas nang matapos si Zhuri makipaglaban. Parang walang nangyari na naglakad siya palayo sa mga patay na tao.

[Nasa pangatlong silid siya, office room.] Si Erech.

"Is he alone?" Malamig ang boses na tanong niya sa kabilang linya.

[No. . . Dalawa sila sa office room, bodyguard niya ang isa.]" Erech answered in a serious voice.

"Okay then," tipid niyang sabi at pumunta na sa pangatlong silid na tinutukoy.

Tiningnan muna ni Zhuri ang paligid niya. Nang makumpirmang wala ng kalaban, isinandal niya ang likod sa pader katabi ang pinto.

Hinawakan niya ang doorknob at walang ni isang katok na binuksan ang pinto.

Tss. . .

Napairap siya sa kawalan ng marinig ang sunod-sunod na putok ng baril. Halatang natataranta ang nasa loob ng silid.

Nang makita ni Zhuri na lumabas ang bodyguard ng target niya para sumilip. Mabilis niya itong sinugod at binaril sa tiyan. Pagkatapos ay ginawang kalasag nang mag simula na pumutok ng baril ang target niya.

Walang pag-aalinlangan na tinutok niya ang pistol gun sa target niya sabay kalabit ng gatilyo sa paa nito at kamay kung saan hawak ang baril.

Nang mabitawan nito ang baril, binitawan niya rin ang hawak niyang patay na katawan. As if nothing had happened, she walked up to the fat old man.

"Good morning," Zhuri said in a cold voice. She smiled at the old man, but there's no emotion in it.

"Wag. . . parang-awa mo na. . . " Pagmamakaawa nito agad sa kanya.

WickedWhere stories live. Discover now