Chapter 53

87 4 0
                                    

Trace' Birthday






AGAD NA hinawakan ni Sven ang beywang ni Zhuri nang makalabas na sila ng kotse. They are now at Trace' house where her birthday party will be held.

Malakas ang tugtog sa loob at mukhang papasok ka pa lang ay mahihilo ka na dahil sa disco lights. Maraming rin mga tao. Halos buong member ata ng organisasyon ay dumalo sa birthday party.

"Let's go," ani Sven na ikinatango ni Zhuri.

Naglakad na sila papasok ng mansion. Nang makapasok ay agad silang sinalubong ni Trace na bakas sa mukha ang gulat at kisayahan nang makita sila.

"My gosh! Sabi ko na nga ba't papayag ka Bloody kapag si Sven ang nagyaya," wika ni Trace na ikinairap niya. "I'm so happy that you two came—" naputol ang sasabihin nito nang may magsalitang lalaki.

"Woah! Tama ba nakikita ko Callez?" Tanong ni Maverick kay Callez nang makita sila Zhuri at Sven. Hindi makapaniwala ang mga ito.

"Yeah. For the first time, umattend si Miss Bloody sa ganitong party," ani Callez kay Maverick. Tuluyan nang nakalapit ang dalawa sa kanila. "Hi, Miss Bloody," bati nito sa kanya.

"How's the bebe time—este how are you two?"

Napaismid na lang siya sa sinabi ni Maverick. Hindi niya ito pinansin at tumingin kay Trace na gusto ng murahin si Maverick at Callez dahil hindi nito matuloy-tuloy ang sasabihin dahil sa kadaldalan ng dalawa.

"Gag*, si Jaxit yun may kasalanan. Anong ako?" Ani Maverick kay Callez. They are now talking about something else and are unconcerned about their surroundings, despite the fact that their voices are loud. Mukhang nakalimutan na sila.

"Weh? Ulol! Lokohin mo pa ko—" Naputol sa kakasalita si Callez nang marinig nitong may tumikhim.

Si Sven. Mukhang hindi na si Sven nakapagtimpi sa kadaldalan ng dalawa.

Napatingin ang dalawa na si Callez at Maverick sa kanilang tatlo ni Trace. Kapagkuwan, sabay na ngumiwi.

"Can you two shut up?" Sita ni Trace kila Maverick at Callez.

"Eh ito kasi." Napailing na lang si Zhuri dahil nagturuan na ang dalawa.

"Let's go inside. I don't want to waste my time standing here," malamig na wika niya sa lahat.

Napatango sila Trace, Maverick at Callez. Kapagkuwan, pumasok na ng mansion.

Napatingin siya kay Sven ng maiwanan silang dalawa. "Let's go?" Anyaya rito.

Hinapit siya nito lalo, sanhi para magdikit na ang katawan nila. "Maraming lalaki. Wag kang lalayo," Sven possessively said to her.

Zhuri shook her head and chuckled. "Really? Wala naman akong pakialam sa kanila."

Ngumisi ito. "Good," sambit nito at iginiya na siya papasok ng mansion.

Nang makapasok na sila, bumungad sa kanila ang nakakahilong disco lights sa loob ng bahay. May music rin na ang tinutugtog ay pop rock.

Nang ilibot ni Zhuri ang paningin sa paligid ay maraming tao. Kasali na roon ang mga highest rank na kompletong-kompleto.

Mukha nagsasaya ang mga ito, yun sayang walang inaalalang problema sa buhay o organisasyon.

Nang makita sila ni Jaxit ay kumaway ito sa kanila sanhi para mapatingin sa kanila ang mga kasama nito. Ang mga highest rank.

Manghang-mangha ang mga ito nang makita sila Zhuri at Sven. Lalo na si Trevis na hindi naitago ang gulat kahit nakangisi ito.

WickedOnde histórias criam vida. Descubra agora