Chapter 75

62 4 0
                                    

Help






NAGISING SI Zhuri nang may maramdamang humahaplos sa hita niya. Pagmulat ng mga mata niya, bumungad sa kanya si Ruchmore na nakaibabaw sa kanya at nakapwesto sa pagitan ng hita niya.

Sinubukan niya itulak ang lalaki pero hindi nagawa dahil nakatali pala ang kamay niya nang makapal na lubid.

"I know na kaya mong kalasin ang posas kaya lubid na lang," ani Ruchmore at ngumiti. Ngiting nakakakilabot. "How's sleep, babe?"

Imbis na sagutin ito ay galit na sinigawan ni Zhuri ito. "Walang hiya ka! Traydor ka!" Galit niyang bulyaw na ikinatawa lang nito.

Napalunok siya at sinubukan magpumiglas ng lumapit ang mukha ni Ruchmore sa leeg niya. "S-Stop.." pigil niya kay Ruchmore sa gagawin nito at sinubukan ulit magpumiglas ng kagatin nito ang leeg niya at sipsipin. Napapikit si Zhuri dahil doon. Pagkatapos gumawa ng kiss mark sa leeg niya, tumaas ng kaonti ang mukha nito palapit sa tenga niya.

"Sarap mo..." Ani Ruchmore at hinaplos-haplos ang hita niya. "Wala na si Sven, Zhuri. Pwede na tayong magpakasal at magkaroon ng sariling pamilya. Gagawa tayo ng maraming anak, 'di ba maganda iyon?" Lumayo ito sa tenga niya at humarap sa kanya. Pagkaharap nito ay walang pasabing dinuraan niya ang mukha nito.

"I will never be your wife—" hindi na ni Zhuri natapos ang sasabihin ng malaglag siya sa kama dahil sa pagsampal nito ng malakas sa pisngi niya.

Kahit masakit ang pisngi, hindi iyon ang pinagtuonan ni Zhuri ng pansin. Kahit nakatali ang kamay, sinubukan niyang takpan ang tiyan niya bilang proteksyon nang maalala ang baby nila ni Sven.

"Bakit?!! Ano ba ang wala ako ng meron siya?!!" Galit na bulyaw ni Ruchmore sa kanya at sinabunutan siya.

"Lahat! Wala ka lahat—" hindi niya ulit natapos ang sasabihin ng sampalin ulit siya nito sa isa namang pisngi.

Nalasahan ni Zhuri ang dugo sa ginawa nito, pero hinayaan niya iyon at nanatili pa rin ang kamay sa tiyan niya kahit gusto ng hawakan ang pisngi niya sa sobrang sakit.

Dinuraan niya ulit si Ruchmore na lalong ikinagalit nito. Hindi na siya sinampal nito, kundi sinuntok na sa mukha. Hindi pa ito nakuntento, tumayo ito at pinagsisipa siya.

Napabaluktot na lang si Zhuri para maprotektahan ang baby niya. Kahit masakit na ang katawan, hindi niya pinansin iyon. Napapikit na lang siya at walang magawang hinayaan itong sipa-sipain siya.

"Tangina mo!! "Mura ni Ruchmore sa kanya. Nang makuntento sa ginawa, sinabunutan ulit siya nito. "Ano? Kung ayaw mo mabugbog lalo, sumagot ka ng maayos. Sino pipiliin mo? Si Sven o ako?"

Walang pag-aalinlangan sumagot si Zhuri. "S-Si Sven.." nahihirapan niyang sagot at napaubo.

"Ah gano'n?" Nakasabunot pa rin sa buhok niya na kinaladkad siya nito papunta kung saan.

Nang makarating sa banyo, sapilitan siya nitong itinayo at walang awang nilublob ang mukha niya sa malaking drum na puno ng tubig.

Napahawak na si Zhuri sa kamay na nakasabunot sa kanya at sinubukan tanggalin. Nang hindi matanggal dahil sa higpit, bumalik ulit ang kamay niya sa tiyan niya.

Akala niya katapusan na ng buhay niya nang malapit na siyang maubusan ng hininga, pero hindi. Itinaas ni Ruchmore ang ulo niya bago pa mangyari iyon at dinilaan ang pisngi niya. "Ano? Tatanungin ulit kita. Ako o si Sven?"

Napailing na lang si Zhuri at napahikbi. Hindi na lang siya sumagot dahil baka may mangyari ng masama sa baby nila ni Sven kung sasagot na naman siya.

"Ako?" Tanong ulit nito.

WickedWhere stories live. Discover now