Chapter 22

91 5 0
                                    

Feelings






PAGKABABA NI Zhuri sa helicopter, dumeretso siya sa kotse niyang BMW na nakaparada.

She's back. Nakabalik na siya ng pilipinas after ng maraming special mission niya.

Sumakay na siya sa kotse niya at pinaandar iyon patungo sa bahay niya. Nang makarating, akmang bababa na ng mag vibrate ang phone niya na nasa bulsa. Kinuha niya iyon at binasa ang text ni Erech.



Erech:

You home? Let's meet up


Zhuri:

Where?


Erech:

As usual, our base.


Zhuri:

Okay.


Matapos niyang sagutin, pinatay na niya ang cellphone at pumasok na sa bahay.

Nagpalit lang siya ng damit, dahil naligo na siya sa hotel na tinutuluyan niya sa States.

Matapos magpalit, naglakad na siya paalis at sumakay sa motor niyang ducati. Mabilis na pinaharurot niya iyon papuntang base nila. Ilang minuto lang, nakarating na siya sa base nila ni Erech.

Pinarada niya muna ang motor sa gilid bago pumasok sa base nila. Nang makapasok na, agad na nakita ni Zhuri si Erech pati na rin ang lalaking nakaupo sa kabilang sofa.

Parang huminto ang mundo ni Zhuri at bumilis ang pintig ng puso niya ng makita si Sven, nakatingin sa kanya at mukhang may hinihintay.

"Welcome back." Kuha ni Erech sa atensiyon niya.

Napakurap-kurap siya at iniwas ang tingin sa mga mata ni Sven. Tsk! Damn that blue eyes! Nahihipnotismo siya. "Bakit mo ako pinapunta rito?" Tanong niya kay Erech at umupo sa single sofa.

Nagkibit-balikat ito. "Just checking kung buhay ka pa," walang kwentang sagot nito na ikinakunot ng noo ni Zhuri.

"What?" Inis na sambit niya.

"Wala, may lalaking gusto ikaw makita," saad nito at tinuro si Sven na nakatingin pa rin sa kanya. "Akyat muna ako," dagdag nito at tipid na ngumiti muna sa kanila bago tuluyang naglakad paalis.

There was silence for a few seconds after Erech left. No one spoke until Sven broke it.

Pasimpleng napasinghap siya ng marinig ang baritonong boses nito. "Zhuri," tawag nito sa pangalan niya. Mabilis na napatingin siya kay Sven ng tawagin siya.

"Oh?"

"Galit ka?" Malumanay na tanong nito na ikinataas ng kilay niya.

Galit? "Mukha ba akong galit? Ha?" Kuso! My voice sounds mad!

Mariin siyang napapikit.

What the heck is happening to me?

Naiinis na tanong niya sa isipan. Ngumuso ito. "Dahil ba ito no'ng huli nating pagkikita? Yung iniwan kita?" Kumunot ang noo niya sa sinabi nito. What is he saying? Para siyang boyfriend na nagso-sorry sa girlfriend na nagtatampo.

"I'm not mad at you, Sven. If that's what you think," aniya at nag-iwas ng tingin dito.

"Bakit hindi mo ako sinama sa special mission? Partner tayo 'di ba?"

Napabuntong-hininga si Zhuri kay Sven ng marinig ang boses nitong may halong pagtatampo. Tiningnan niya ito ng deretso at hindi inalis ang mga mata niya sa kulay dagat nitong mata. Oh fuck! Those blue eyes! Nahihipnotismo talaga siya! "I'm hungry. Want to come with me? Lunch?" Pang-iiba niya ng usapan. Ilang sandali siyang napatigil at natuptop ang sarili bibig ng mahuli ang sariling sinabi iyon.

WickedDonde viven las historias. Descúbrelo ahora