Chapter 6

156 6 0
                                    

Monday







LIHIM NA nililibot ni Sven ang paningin sa organization hotel nang makapasok siya. Apat na araw nang nakalipas at nandito siya dahil break time nila panandalian.

Bawat lagpas niya sa mga tao, nagbubulong-bulungan ang mga ito habang nakatingin sa kanya.

"Di ba siya 'yon?" Bulong ng isang lalaki sa kasama nito nang malampasan siya.

What the f*ck is happening?

Lunch break nila ngayon ni Zhuri, magpahinga muna raw bago ipagpatuloy uli ang mission. Gusto mang ayain ulit kaso umayaw ito. May gagawin daw itong importante kaya mag-isa nalang siyang kakain.

Akmang papasok na si Sven sa resto ng organization hotel nang may tumawag sa pangalan niya, si Jaxit.

"Sven!" Nakangiting tawag nito sa pangalan niya at kumaway-kaway pa habang naglalakad patungo sa gawi niya.

Napabuntong-hininga siya rito. "Hey," bati ni Sven nang makalapit ito sa kanya.

Umakbay ito sa kanya na ikinairap niya ng lihim.

Tss...

"Ikaw ah! Hindi mo sinabi sa'kin na naglunch pala kayong dalawa ni Miss Bloody!" Natutuwang sabi nito at humarap sa kanya para hawakan ang balikat niya sabay yugyog.

Mahinang hinampas ni Sven ang dalawang kamay nito sa balikat niya dahil nahihilo siya sa kakayugyog nito. "Kailangan ba sabihin?" Walang gana niyang tanong.

"Paano mo nagawa iyon? Wow! Nakakabilib!" Sabi nito sabay halakhak.

Kagat-labing napahilot siya sa sentido nang pagtinginan sila ng mga tao galing resto. At nang makita ang mukha niya, pagbubulungan ulit siya.

Napakunot-noo siya. "Anong meron?" Nagtatakang tanong kay Jaxit na pilit tumutigil sa kakatawa.

"Huh? Anong-ano meron?"

"Bakit ako pinagtitinginan kanina pa at pinag-bubulungan ako?" Mahinahon niyang tanong.

Sanay na siyang pinagbubulungan ng mga tao, pero hindi harap-harapan.

"Eh paano ba naman kasi? Si Miss Bloody? Nayaya mong mag lunch?" Nakangiting sagot nito at umakbay ulit sa kanya.

Iginiya siya nito papasok sa resto. "Bakit? Ano problema roon?" Kunot-noong tanong kay Jaxit.

"Tangeks! Gustuhin mang yayain ng karamihan si Miss Bloody mag lunch, pero hindi namin magawa! Nakakatakot! Sasabihin mo pa lang alam mo na ang sagot niya," tugon nito.

Umupo sila sa bakanteng table nang makapasok sa resto. "You sure?" Paninigurado niya rito.

So... It's means.. madalas siyang mapag-isa kumain?

Ako ang kauna-unang kasama niyang maka-lunch?

Tanong sa isipan. Lihim siyang napangisi sa pangalawang tanong.

Ako ang una...

Mabilis na napabaling si Sven sa dalawang maingay na lalaki papunta sa gawi nila.

Si Maverick at Callez.

"Yow!" Si Maverick at umakbay kay Jaxit sabay upo sa bakanteng upuan. Kapagkuwan, tumingin sa kanya. "Sikat ka na, ah?" Nakangising sabi sa kanya.

"What do you mean?" Tanong rito kahit alam na ang tinutukoy nito.

Umupo rin si Callez sa isang upuan sabay palakpak. "Believe ako sayo, pare!" Nakangising sabi nito. "Sino ka ba talaga?"

WickedWhere stories live. Discover now