Chapter 65

68 2 0
                                    

Future house







NAKAKRUS ANG braso sa dibdib, nakatingin si Zhuri sa harapan niya kung saan nakaupo ang mga kapatid niya.

"So you are the first highest rank," panimula ni Akane sa usapan.

Nandito pa rin sila sa isang VIP room, nakaupo sa magkabilaang sofa. Sa kabilang sofa ay sila Zhuri at Sven lang ang nakaupo, samantalang sa isa na kaharap nila ay ang mga kapatid ni Zhuri.

"Pangalawang beses na natin itong pagkikita 'di ba?" Dagdag ni Akane na ikinasalubong ng kilay niya.

Nagkita na sila?

Naguguluhang tumingin siya kay Sven nang sabihin ng ate niya iyon kay Sven. Seryoso ang mukha nito habang nakatingin sa mga kapatid niya. "Anong ibig niyang sabihin?" Takang tanong niya sa lalaki.

Agad na nawala ang pagkaseryoso nito nang bumaling ito sa kanya. "I'll explain it to you later darling," anito at bumalik na naman ang seryosong mukha dahil tumingin muli ito sa mga kapatid niya.

"Yes," sagot ni Sven kay Akane.

"Ow, I remember, friend nga pala kayo ni Kuya kaya pa—" Hindi naituloy ni Takiira ang sasabihin ng sumabat ang Kuya nilang kanina pa nakasimangot.

"He's not my friend!" Sabat nito na parang batang inagawan ng candy.

Napailing ang dalawang kapatid ni Zhuri na si Takiira at Yua. Samantalang si Akane ay umismid lang kay Haru. "As far as I remember, magkaibigan kayo nila Sven, Trevis at Cloud." Saad ni Akane kay Haru.

"No, we're not." Pagtatanggi agad nito at sinamaan pa ng tingin si Sven na parang nagbabantang wag aminin ang totoo.

Napahilot na lang ng sentido si Zhuri. May saltik talaga ang Kuya nila. Minsan isip bata na parang inagawan ng candy at minsan malambing. Kadalasan masungit at seryoso rin. Akala mo may dalaw dahil sa paiba-iba nito ng mood.

Narinig niyang napa "Tsk" ang katabi niya kaya napairap si Haru kay Sven.

"Anyways." Si Takiira. "Nandito kami para alamin kung totoo ang balita, at kung totoo nga ay pinapasabi ni Dad na pumunta kayong dalawa sa japan. Gusto kayo makausap ni dad," wika sa kanilang dalawa na si Zhuri at Sven at tumingin ito kay Sven. "Lalo ka na Mr. Daveroux," anas nito kay Sven na nawala na ang pagkaseryoso ng mukha.

Nagkatinginan muna silang dalawa ni Sven at Zhuri, bago sumagot sa sinabi ng kapatid niya.

"Okay, we're going." Ani Zhuri kay Takiira na ngumiti sa kanila matapos marinig ang sagot nilang dalawa ni Sven.

"Panigurado lagot 'yang asawa mo kay dad." Napatingin silang lahat sa nagsalita. Ang kuya ng magkakapatid iyon. Si Haru.

Lihim na napaismid na lang siya sa kuya niya na nakasimangot pa rin ang mukha at nakapangulumbaba sa upuan.

Kuya will always be kuya.

"It's okay if your father scolds me as long as he is not against our marriage," tugon ni Sven sa mga kapatid niya at ngumiti ng maikli sa kuya niyang nakataas ang kilay ngayon.

"Well, we're happy for you, Imouto. You found a strong and lovingly future husband," singit ni Yua na nakangiti ng matamis sa kanilang dalawa.

Ngumiti rin si Zhuri rito at akmang magsasalita para sabihing 'Salamat' nang bumukas bigla ang pinto at iniluwa roon si Trevis at Cloud.

Lihim na napataas ang kilay ni Zhuri nang mapansing umiwas agad ng tingin si Yua sa dalawang lalaki na pumasok at tumingin na lang sa Kuya nilang napapamasahe na sa sentido.

WickedWhere stories live. Discover now