Chapter 70

71 2 0
                                    

Bachelorette party







DAYS HAD passed. And now, Zhuri and Sven started planning and preparing their wedding.

Kahit masakit pa ang katawan ni Zhuri ay bumangon pa rin siya sa kama at tinakpan muna ang katawan ng comforter bago tingnan si Sven na mahimbing pa rin na natutulog sa tabi niya.

Tss...

Hindi na nila alam kung anong oras sila nakatulog. Sobrang wild nila kagabi at halos hindi na matigil kung hindi lang maalala na kailangan nilang gumising ng maaga para mag plano na tungkol sa kasal.

Pumasok na siya sa banyo para maligo. Matapos maligo at mag-ayos sa loob ay lumabas na siya ng banyo.

"Good morning," bati ni Zhuri nang makitang gising na pala si Sven pero nakahiga pa rin sa kama.

Ngumiti ito sa kanya at bumati rin. "Good morning. Halika," anito at tinapik-tapik ang tabi nito.

Napailing siya nang malaman ang gusto nitong iparating. Gusto nitong humiga ulit siya sa tabi nito.

"Later, Sven. Let me remind you na ilang minuto na lang pupunta na ang wedding organizer dito," paalala niya sa lalaki na ikinasimangot ng mukha nito.

"The wedding organizer can wait," anito.

"But mom and my sisters can't wait," saad ni Zhuri. Gusto kasi ng ina at mga kapatid niyang babae na tumulong sa pagpaplano ng kasal nila ni Sven. Gusto ng ina at kapatid niya na perfect ang kasal, walang mali at maayos lahat.

Napabuga ito ng hangin sa kawalan at walang magawang bumangon na ng kama. Pumasok na ito sa banyo para maligo. At siya, hindi na si Sven hinintay. Lumabas na si Zhuri ng silid at bumaba na ng hagdan.

Nang makababa, agad na nakita niya ang ina sa sala na may kasamang lalaki. Or should we say na bakla dahil nakasuot ito ng pang-babaeng damit at may make up. Nakaupo ang dalawa sa mahabang sofa at masayang nag-uusap.

"Ohayou gozaimasu," bati ng ina niya nang mapansin siya.

"Ohayou gozaimasu, okaasan." Bati rin ni Zhuri sa ina.

Tumayo ang kasama nito kaya tumayo na rin ang ina niya para ipakilala sa kanya ang lalaki. "Zhuri, meet Oliver, your wedding organizer. He's gay and a fil-am," pagpapakilala ng ina niya sa lalaking nakangiti sa kanya ng malapad. "And Oliver, meet my daughter. She's the bride."

Excited na lumapit sa kanya si Oliver. "Hi, Ms. Zhuri Hazatora. Nice meeting you," anito at inilahad ang kamay sa harapan niya para makipagshake hands.

Tinanggap ni Zhuri iyon at tipid lang na ngumiti. "Nice meeting you, too," tugon niya at binitiwan na ang kamay dahil baka dumating si Sven at makita. Seloso pa naman iyon, hindi lang sinasabi. Tss..

"Okay. Before we start, how about we eat breakfast first?" Pagkatanong niyon ng ina niya, sakto namang kakababa lang ni Sven na fresh na fresh. Basa ang buhok nito at nakasuot ito ng black t-shirt at cream short.

Napaangat ang kilay ni Zhuri ng mapansin na parehas sila ni Sven ng kulay ng damit at short. Lihim siyang napailing sa ginawa ni Sven. Always clingy.

"Good morning," bati ni Sven sa kanila at lumapit agad kay Zhuri para gawaran siya ng halik sa noo.

Napangiti naman si Zhuri ng malapad sa simpleng ginawa nito. "Sven, meet the wedding organizer." Pagpapakilala niya sa wedding organizer kay Sven. "He's Oliver."

Tulad kanina noong unang kita ni Oliver sa kanya ay ngumiti rin ito kay Sven. Samantalang si Sven ay tiningnan muna ng maigi ang lalaking kaharap bago ngumiti rin ng tipid at nakipag-kamay.

WickedOnde histórias criam vida. Descubra agora