Chapter 7

133 6 0
                                    

Dream





Spg


"PAKUHA MO na ito," utos ni Zhuri kay Erech na nasa linya.

Napag-isip-isipan niya na wag muna patayin ito ngayon at pahirapan muna. Kung pinaparanas nito sa mga bata ang impiyerno, dapat maranasan din nito at mas malala dapat doon.

[Okay.. wait a minute,] pormal na saad ni Erech.

Napatingin kalaunan si Zhuri kay Gavana na nakatali ang kamay. Ilang sandali, napalingon siya sa taong pumasok ng abondonadong factory. Si Sven.

Ang kamay nito ay nasa magkabilang bulsa, habang papunta sa gawi niya.

"Naiuwi mo na?" Tanong niya rito nang makalapit sa kanya.

Tumango ito. "Yeah.. she's safe, don't worry," sagot at bumaling kay Gavana.

Tumingin si Gavana kay Sven at ngumiti ng nakakaloko. "Tulungan mo akong makatakas dito, alam kong sunod-sunuran ka lang sa babaeng iyan!" Sabay baling nito sa kanya ng galit na mukha. "Walang kwenta iyan! Pahihirapan ka lang, sumama ka sakin lalaki. Paliligayahin kita."

Huminga nang malalim si Zhuri sa sinabi ni Gavana, hindi nagustuhan. Lihim siyang napatingin kay Sven na nakatingin kay Gavana, walang emosyon ang mukha.

"You think mauuto mo ako? Tss.. Woman, I don't get along with those people who have the same attitude as you do," sabi nito kay Gavana habang madilim na nakatingin.

Agad na napawi ang ngiti sa labi ni Gavana ng sabihin iyon ni Sven. Bago pa ito makapagsalita, mabilis na naglakad papunta si Zhuri sa likod ni Gavana at malakas na hinampas ng baril ang batok nito na ikinawala nito ng malay.

Napatingin siya pagkuwan kay Sven. "Halika na, uwi na tayo. Inaantok na ako," sabi nito sa kanya.

Napairap siya rito. "Kung inaantok ka, umuwi ka na sa bahay mo at nang makatulog ng mahimbing."

Napanguso ito sa sagot niya. "Nag dinner ka na?" tanong nito.

Wala sa sariling umiling siya. Magsasalita na sana ito ng dumating na ang mga taong magdadala kay Gavana.

Yumukod ang mga ito ng makita siya. "Third highest rank, Miss Bloody. Pagpasensyahan niyo na ho, nahuli kami ng dating." Anito ng isa.

Tumango lang si Zhuri sa mga ito at lumayo ng kaonti para malayang madala ng mga ito si Gavana.

"Saan siya dadalhin?" Si Sven.

Lumingon siya rito. "Bakit? Sasamahan mo?"

Natawa ito sa sagot niya. "Nagtatanong lang, bakit selos ka?" Nakangiting pabalik na tanong nito na ikinairap niya.

Ramdam niyang nag-init ang pisngi niya at pinagsawalang-bahala niya lang iyon. "Tigil-tigilin mo nga iyang panloloko mo, baka mamalayan mo na lang kasama mo na si Gavana sa punishment room."

Naiiling na natatawa ito sa sinabi niya. "Chill, Zhuri. Joke lang naman eh, hehe.."

Napairap ulit siya rito at naglakad na palabas ng abandonadong factory. Ramdam niyang sumunod sa kanya si Sven at wala siyang pakialam.

"Nag dinner ka na?" Makulit na tanong nito. "Tara, dinner tayo sa hotel organization, yun resto doon?"

Tumigil sa paglalakad si Zhuri at humarap kay Sven. Wala sa sariling sumilay ang ngiti sa labi niya dahil sa simpleng yaya ni Sven sa kanya.

"Sige na nga, at nang matigil ka na sa kakulitan mo."

Malapad itong ngumiti sa sinabi niya at pumunta sa kotse nito. Pumunta na rin siya sa motor niya at nang paandarin na nito ang kotse, sinimulan niya na rin paandarin ang motor niya at sinundan ito.

WickedWhere stories live. Discover now