Chapter 27

84 4 0
                                    

His hug






NANG MAKAPASOK sila ni Sven sa elevator na walang tao. Agad na nagtungo si Sven sa likuran niya para yakapin siya. He rested his chin on Zhuri's shoulder while hugging her waist.

"I don't want to think you're jealous, but from what I saw earlier... You seems jealous, darling." Bulong nito sa tenga ni Zhuri. Napapikit siya at huminga ng malalim nang marinig ang malalim nitong boses.

Yes, I'm freaking jealous. I hate that girl!

Inis na sabi niya sa isipan. "What if I'm really jealous, Sven? Lalayuan at hindi mo siya papansinin?" Biro ang huling sinabi niya pero mukhang sineryoso ng lalaking nakayakap sa kanya ngayon.

"Yes. If that's what my darling wants," he said in a husky voice.

Naramdaman ni Zhuri na uminit ang pisngi niya sa tugon ni Sven. Hindi niya alam ang sasabihin, buti na lang bumukas na ang elevator sa tamang palapag. "Nandito na tayo, tara," aya rito. Tumango ito at kumalas na sa pagkakayakap sa kanya.

Naglakad sila papunta sa room nila. Nang makarating na sa room 1213, binuksan na ni Sven ang pinto gamit ang binigay na key card.

Nilibot ni Zhuri ang paningin sa buong silid nang makapasok. Kulay gatas ang kulay ng pader, puti ang kisame. Dalawa ang bedrooms. She thought, paniguradong walang banyo sa loob niyon dahil may banyo sa labas.

"Dalawa ang bedrooms na kinuha ko kasi hindi ko alam kung komportable ka ba pag magkasama tayo sa isang kwarto," ani Sven na ikinalingon niya rito.

"Thanks," maikling tugon niya at pumunta sa bedroom na napili. Binuksan ni Zhuri ang pinto at nilibot ang paningin sa loob.

Malinis at maayos tingnan... Kulay grey ang pader at kulay puti naman ang kisame. Queen size ang kama, kulay puti ang bedsheet at kulay itim naman ang unan. May TV at may single sofa rin sa loob at coffee table.

Ang kaninang iniisip na walang banyo sa loob ng bedroom ay tama. Nasa labas nga ang banyo at tanging closet lang ang meron sa loob ng bedroom.

Nang matapos tingnan ang paligid... Mula sa labas ay sinara niya ang pinto at tumingin kay Sven na may kausap sa telepono.

Tumingin ito sa kanya habang kausap pa rin ang nasa linya. Bahagyang binaba nito ang telepono. "Nag-o-order ako ngayon ng pagkain. Anong gusto mo kainin?" Tanong nito sa kanya.

"Kahit ano... Ikaw bahala," maikling sagot niya. Tumango naman ito at kinausap uli ang nasa linya.

Nang matapos ito, ibinaba na nito ang telepono at tumingin uli sa kanya. "Saan pala gusto mo pumunta bukas?" Tanong nito ulit sa kanya.

Napaisip si Zhuri sa tanong ni Sven. Umupo siya sa sofa ng living room at tumabi naman ito sa kanya. "Ewan? Hindi ko alam," saad niya rito.

Kinuha ni Sven ang cellphone sa bulsa at binuksan. "Habang nilalagay ko ang plato sa lamesa, mag-search ka muna sa cellphone ko," anito na ikinakunot ng noo niya.

Ako? Magse-search?

Bago pa siya makapagsalita ay kinuha na nito ang isang kamay niya at nilapag doon ang cellphone. Kapagkuwan, tumayo at nagtungo sa kusina.

Pabirong napairap na lang siya sa lalaki at binuksan uli ang phone nito dahil namatay. Napataas ang dalawang kilay ni Zhuri ng makita uli ang mukha niya na nasa lockscreen ng cellphone nito. Ibang picture naman ngayon. Nasa strawberry farm siya at nagpipitas ng strawberry.

Huminga siya ng malalim at ini-swipe ang screen ng phone dahil wala namang password nakalagay. Pumunta siya sa google at doon sinerch ang mga lugar na magandang puntahan sa baguio.

WickedWhere stories live. Discover now