Chapter 64

70 2 0
                                    

Punch





ZHURI AND Sven entered the organization's base holding hands. It was three days ago after Satsujin's death.

Alam na ng mga Hazatora ang nangyari kay Satsujin at ang pinaggagawa nito, kaya balak ng pamilya ni Zhuri na bumisita sa organisasyon.

Alam na rin ng mga Hazatora na magpapakasal na siya. Nasagap ng mga ito ang balita sa herald ng organisasyon.

Hindi maiwasan mapangiti ni Zhuri sa naisip. Papakasalan siya ni Sven hindi dahil nakita nito ang mukha niya kundi mahal siya nito.

"Why are you smiling?" Kuryosong tanong sa kanya ni Sven nang mapansin siyang nakangiti sa kawalan.

Napailing siya rito. "Wala, may naisip lang." Aniya.

"Na ano?"

"That you will marry me not because you saw my face but because you love me," pagsasabi niya ng totoo.

Sven chuckled. "I love you," he said in a sweet voice.

Napaismid siya when she felt something in her stomach and felt her cheeks heat up. "Love you," tugon niya at tinago ang ngiti na gustong kumawala.

Mahinang natawa ito ng makitang nagblush siya. Akmang magsasalita ito nang may tumawag sa kanila.

Ang mga highest rank iyon, isama na si Jaxit at Nicholas.

"Ano? Ayos ba?" Masayang tanong sa kanila ni Jaxit nang makalapit.

Tiningnan ni Zhuri ang paligid nang sabihin iyon ni Jaxit. Tinutukoy nito ang paglilinis ng organisasyon, ang paghahanda dahil darating ang mga anak ng Hazatora, ang mga kapatid niya.

Hazatora is really a big part of the organization, huh...

Aniya sa isip. Totoong mahalagang parte ang angkan ng Hazatora sa organisasyon dahil ang Hazatora clan ay isa sa mga supporting family sa organization. That's why the Hazatora are powerful and everyone respects them not just for being good people.

"Yes, it's fine." Sagot niya sa tanong ni Jaxit.

"Gosh, I can't believe na pupunta rito ang mga kapatid mo Bloody." Si Trace at naglakad papunta sa isang lalaki para iutos na linisan pa bandang cafeteria.

Napa "Tss.." na lang siya at bumaling kay Sven na nasa tabi niya pa rin pero kinakausap na si Trevis at Nicholas.

Naputol ang pag-uusap ng mga ito nang may tumawag kila Zhuri na pamilyar sa kanilang lahat.

"Bloody!" Tawag sa kanya ni Cloud na kakapasok lang ng HQ.

Nilingon niya ito. Nagsalubong ang kilay niya ng mapansin na pawisan ito at mukhang may hinahanap.

Hindi ito na sagot ni Zhuri dahil inunahan na siya ni Sven. "What do you want?" Kalmado bagamat seryoso ang tanong ni Sven kay Cloud nang makalapit sa kanila.

"Where's Kecia?" Agad na tanong ni Cloud sa kanya, hindi pinansin ang tanong ni Sven.

Napataas na ang kilay niya sa sagot nito. Kahit nagulat siya dahil kilala nito si Kecia ay tinago niya pa rin ang gulat na ekspresyon at nanatiling kalmado.

"Why?" Aniya.

"Come on, Bloody. I want to talk to Kecia—"

"You know my little sister?" Singit ni Kaye na ikinatahimik ng lahat.

Napahilot si Zhuri sa sentido. Knowing everyone, hindi alam ng mga ito kung sino si Kecia, except Kaye, Sven and Trevis, kaya paniguradong lalabas na naman ang mga chismosa't chimoso. At hindi niya itatanggi na mga kaibigan niya iyon.

WickedWhere stories live. Discover now