Chapter 68

59 3 0
                                    

My happiness







"I WANT you to take care of my daughter, because she has been through a lot. I want you, too love her no matter what happened. And be faithful and protect her even though she is strong. She is not always strong all the time, Devon, so please..." Hindi inaasahan ni Devon na ganito ang maririnig niya sa ama ni Zhuri na si Ringo. Akala niya magagalit ito dahil nagkaroon agad ng magiging asawa ang isa sa mga anak nito. Ganoon naman lahat ng ama 'di ba? Tutol sa kasal pag babae ang anak nila dahil hindi pa sila handang ibigay ang anak nila. "She deserve to be happy, Devon. Take care, be faithful, protect her and show her your love."

Napangiti na siya at taos-pusong yumukod dito. "I will, Mr. Hazatora," magalang na tugon ni Devon na ikinapanatag ng kaharap niya. Panatag na dahil sa wakas, nakahanap na ng taong magpapangiti palagi sa anak nito at mamahalin habang buhay.

"Dad... You can call me dad, Devon." Nanlaki ang mga mata ni Devon sa sinabi ni Ringo, hindi siya makapaniwala sa narinig.

Kahit gulat ay sinubukan pa rin niya na maging pormal sa kaharap niya kahit na sobrang saya na niya sa loob-looban dahil tanggap siya. "Thanks... dad," sambit niya na ikinangiti nito ng tipid.

Tumayo na ito mula sa kinauupuan nito kaya napatayo na rin siya. "Come on, puntahan na natin ang dalawang babae sa labas," tukoy nito sa asawa at anak nito.

Napatango lang siya at sabay na silang dalawa na lumabas. Sinundan ni Devon ang ama ni Zhuri kung saan pupunta.

Nang mahinto sila, napatingin siya sa pintong kaharap nila. Must be a bedroom. Devon thought and he was right.

Nang buksan ng kasama niya ang pinto ay bumungad sa kanila ang queen size bed at modern minimalist design ng bedroom.

Nakita rin nila Devon at Ringo ang dalawang babaeng hinahanap nila. Ang isa, ang asawa ni Mr. Hazatora na nakaupo sa sahig, kaharap ang coffee table. Nagkakalkal ito sa paper bag na mamahaling brand at binibigay kay Zhuri. At si Zhuri naman ay nakaupo sa kama at napapabuntong-hininga minsan dahil sa nakikitang sobrang kalat ng kwarto dahil sa ina.

Napailing ang dalawang lalaki na si Devon at Mr. Hazatora sa nakikita nila.











"DARLING." NAPATINGIN si Zhuri nang marinig ang boses na iyon. Agad na sumilay ang ngiti sa labi niya nang makita si Sven na nakatayo sa hamba ng pintuan.

Tumayo siya mula sa kinauupuan at akmang pupuntahan ito nang mahagip ng mata niya ang ama niya.

Nandito ang dalawang lalaki sa kwarto niya. Nakatayo sa hamba ng pinto at mukhang kanina pa sila pinagmamasdan.

Tuluyan na siyang nakalapit kay Sven. Nang makalapit ay mabilis siya nitong hinalikan sa pisngi na ikinalaki ng mata niya sa gulat.

Napatingin agad si Zhuri sa ama niya, hinihintay ang reaksiyon at sasabihin nito sa ginawa ni Sven pero wala itong sinabi. Ngumiti lang ito sa kanila ni Sven at lumapit sa asawa nito na natigil sa ginagawa.

"Is everything okay?" Tanong niya nang may mapansin sa ama at kay Sven na kaharap niya.

Ang liwanag kasi ng mukha ni Sven, parang may nangyaring maganda sa usapan ng ama niya.

"Maiiwan na namin kayo para makapag-usap kayo ng maayos." Napatingin si Zhuri sa ama niya nang magsalita.

Tumango lang siya bilang tugon at umalis na ang magulang niya na bakas sa mukha ang kasiyahan.

Nang makalabas na ang mga ito ng tuluyan sa silid at maisara ang pinto, bumaling ulit siya kay Sven.

"Well... Your father and I had a great talk," panimula ni Sven sa usapan.

WickedWhere stories live. Discover now