Chapter 10

129 5 0
                                    

The Unknown number







LUMAPIT SA kanya si Sven. "What I mean is... hayaan mo siya." Sa sinabi nito, pinaningkitan ni Zhuri ito ng mga mata.

"Alam mo ba kung ano ang mga pinaggagawa niyan?" Irita niyang sabi kay Sven. Tinutukoy si Jacob.

"Yes, I don't know, pero sa boses mo pa lang alam ko na." Anito. "Gusto ko lang naman sabihin na hayaan mo siya rito nakakulong. Call the private doctor para gamutin siya at pagkatapos, ikulong siya rito habang buhay. Walang pagkain para marealize niya kung ano ang pinaggagawa niya sa buhay niya," mahabang paliwanag nito.

Napaisip si Zhuri sa sinabi ni Sven. Ilang sandali lang, tumango na siya sa desisyon nito. Tama ang sinabi nito, mas mabuting ikulong si Jacob dito ng walang pagkain, walang makikitang liwanag habang buhay.. pero hindi ibig sabihin niyon na gano'n din ang gagawin niya sa iba na mapupunta rito.

Parehas silang napatingin ni Sven sa sumigaw. Si Jacob.

Nagsisimula ng umapekto sa katawan nito ang gamot na tinurok niya kanina.

"Anong nangyayari sa kanya?" Nagtatakang tanong ni Sven kay Zhuri.

"Umepekto na ang gamot sa katawan niya," maikling sagot niya.

Naglakad siya palayo sa dalawang lalaki at kinuha sa bulsa ang phone niya. Tinawagan niya ang private doctor na naka-asign sa punishment house.

Matapos, ibinalik niya sa bulsa ang cellphone at lumapit kay Sven. "Let's go," aya niya sa malamig na boses at naglakad na palabas ng punishment room.

Nang makalabas, tumingin si Zhuri sa dalawang bodyguard ng punishment room. "Pupunta rito ang private doctor, make sure na mababantayan niyo ng maigi ang lalaking nakakulong pag katapos gamutin. You two know the consequences."

Tumango ang mga ito sa kanya. "Areglado, Ms. Bloody girl."

Tumango rin siya at naglakad na palabas ng punishment house. Nang makalabas, tumingin siya kay Sven na nakamulsa.

"You really are a wicked." Kumunot ang noo ni Zhuri sa sinabi nito.

"What did you say?"

Ngumisi lang ito. "Nothing."

"Hindi mo ba alam na ikaw lang ang taong kumakausap ng ganito sa'kin? Ang tumatawag ng pangalan ko?"

"Yes, I guess. I'm the one who keeps on calling you Zhuri, and getting to talk to you like this... I don't regret any of it, I'm actually happy."

"Hindi ka natatakot?"

"No. Dahil alam kong mabait ka."

Sa sinabi nito, sarkastikong natawa si Zhuri. "Hindi ako mabait." People say she's an evil, a wicked, an indifferent person sometimes.

Umiling si Sven sa sinabi niya at lumapit sa kanya. Parang bumilis ang tibok ng puso ni Zhuri sa simpleng paglapit ng lalaki. "Nah, you're wrong. Kahit sandali lang ang pagsasama natin, napansin ko na agad iyon. Una, sa ginagawa mong pagliligtas sa mga tao. Hindi lang basta iyon mission sa iyo. Pangalawa, yun pag-atrato mo sakin at kay Erech."

Sa sinabi nito, natigilan sandali si Zhuri. Umiwas siya ng tingin kay Sven. "Balik na tayo sa base," tanging na sabi niya at una ng sumakay sa kotse.

Sumakay na rin si Sven sa driver seat at tumingin agad sa kanya nang makapasok. Nagtama ang mga mata nila sa ginawa nito. Ilang segundong napatingin si Zhuri sa kulay blue nitong mga mata, nakaka-wala sa sarili kung titingnan, nakakaakit.

Mabilis siyang umiwas ng tingin kay Sven nang mahuli ang sarili. Tumingin na lang siya sa bintana. At si Sven? Nararamdaman pa rin niya na nakatingin ito sa kanya. Bumuntong-hininga muna ito bago sinimulan paandarin ang sasakyan.

WickedTempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang