Chapter 52

87 4 0
                                    

Shopping







NAPABALIKWAS SI Zhuri ng gising dahil sa masamang panaginip. Napalingon-lingon siya sa madilim na paligid. Agad niyang kinapa ang katabi niya para gisingin kaso wala siyang makapa. Wala si Sven.

Nadagdagan ang takot niya at agad nataranta. Mabilis siyang bumangon at naiiyak na nagtungo sa switch nang ilaw para buksan.

Wala siyang pakialam kahit hindi niya suot ang maskara. Kailangan niyang makita si Sven, kailangan niyang malaman na hindi talaga siya nito iniwan.

Nang hindi makita ang lalaki sa buong kwarto... Mabilis na kinuha niya ang maskara at isinuot. Kapagkuwan, mabilis ang lakad na lumabas nang silid at nilibot ang buong second floor.

Nang hindi pa rin makita, bumaba si Zhuri nang hagdan patungong first floor. Nasa kalagitnaan siya nang pagbaba ng mahinto. Nahinto siya nang makita ang lalaking hinahanap.

Nakahinga siya ng maluwag nang makitang si Sven talaga iyon. Akala niya totoo ang panaginip niya na iniwan siya nito.

Napako ang tingin niya sa kausap nito. Nang makita si Trace ay nagsalubong ang kilay niya.

Napatingin siya sa orasan dahil sa pagtataka na bakit nandito ang babae. Nang makitang 7:00am na pala ay napaawang ang bibig niya. Hindi makapaniwala na umaga na pala, akala niya madaling araw pa lang.

Muling tumingin si Zhuri kay Trace at sa kasama nitong lalaki na si Jaxit. Kausap nang dalawa si Sven na wala naman kaemo-emosyon ang mukha pero nakikinig naman.

"Come on, Sven. Ikaw na mag-aya kay Miss Bloody. I'm sure papayag siya dahil ikaw nag-aya." Napataas ang kilay ni Zhuri sa sinabi ni Trace kay Sven.

What the hell is she saying?

Nagpakawala nang mahinang buntong-hininga si Sven. "Okay. But I'm telling you now, she hate party's. Kaya paniguradong—" Nahinto sa kakasalita si Sven nang magsalita si Jaxit.

"Miss Bloody," tawag sa kanya ni Jaxit nang mapansin siya.

Sabay na napalingon si Sven at Trace sa kanya. Nang makita siya ni Sven ay naglakad ito palapit sa kanya, at siya ay tuluyan nang bumaba ng hagdan para salabungin ito.

"Gising ka na pala, good morning," mahina at malambing ang boses na bati sa kanya ni Sven. Nawala na ang walang kaemo-emosyon nitong mukha.

"What are they doing here?" Nagtatakang tanong ni Zhuri kay Sven at nilipat ang paningin kay Trace na nakatingin kay Sven.

Nagtaas ang kilay niya nang makuha ang sinasabi ng mga mata ng babae. Napabaling siya kay Sven na nakatingin rin pala kay Trace.

"They want to invite us," sagot ni Sven sa tanong niya at tumingin na ulit sa kanya.

"Invite? Where?"

"My birthday." Si Trace ang sumagot. "I just want to invite you two. Don't worry, hindi naman boring doon."

Akmang titingin ulit si Zhuri kay Trace nang hawakan siya ni Sven sa braso.

Tumingin muna si Sven kila Trace at Jaxit para sabihing... "Ako na bahala. You two can now go. Thanks for the invitation," kalmadong sabi nito kila Trace at Jaxit na ikinatango lang ng dalawa at umalis na.

Nang makaalis nang tuluyan sila Jaxit at Trace ay doon na siya tiningnan ni Sven at iginiya paupo sa sofa ng sala. "Do you want to go to the party?" Panimula nito sa pag-uusapan nila.

Umismid siya at nangalumbaba. "Ikaw? Gusto mo puntahan?"

"Pupunta ako kapag pupunta ka," sagot nito na ikinanguso niya.

WickedWhere stories live. Discover now