Chapter 24

98 6 0
                                    

Date






NANG MAKARATING na sila, bumaba na si Zhuri at nilibot ang paningin sa paligid. Kapagkuwan, tumingin kay Sven na nasa likod na niya.

Kumunot ang noo niya ng ilahad nito ang kamay nito sa harapan niya. "Give me your gun, darling," anito at tinuro ang pistol gun niya na nakalagay sa holster.

"Bakit?" Kunot-noong tanong niya. Nagtataka kung bakit kukuhain ni Sven.

Bumuntong-hininga ito. "Bawal daw sa mall ang mga ganyan, kahit kutsilyo. At saka, baka matakot sila," paliwanag nito.

Bawal? Tsk!

Zhuri rolled her eye balls. Walang magawang kinuha niya ang pistol gun niya at nilagay sa kamay ni Sven na nakalahad sa harapan niya. "What if may makakilala sa atin?" Tanong dito at nagkrus ng braso.

Nilagay muna nito ang mga baril nila sa loob ng sasakyan bago siya sagutin. "Trust me, it's safe." Anito at ngumisi na parang siguradong-sigurado.

Napairap na lang ulit siya. "Whatever. Tara na nga," aya rito. Akmang maglalakad na siya ng hawakan ni Sven ang braso niya para pigilan siya. "What?" Nagtatakang sambit kay Sven.

Nag-init ang pisngi niya ng walang pasabing hinawakan nito ang isang kamay niya at pinagsalikop ang mga daliri nila.

"Tara na," nakangiting yaya nito at hinila siya papasok ng mall. Wala sa sariling nagpahila naman siya. Mainit pa rin ang pisngi.

Nang makapasok, agad na nilibot ni Zhuri ang paningin sa paligid. Nawala ang atensiyon niya sa magkasalikop na kamay nila ni Sven at wala sa sariling sumilay ang ngiti sa labi niya.

First time niyang makapunta sa mga malls, at base sa ekspresyong nakita niya kay Sven ngayon... Parang first rin nito.

Tumingin ito sa kanya. "Ano gusto mo unahin? Movies or lunch muna?  Breakfast lang kinain natin kanina," nakangiting tanong nito.

"Lunch na muna," tugon rito. Tumango ito.

"Sige, if that's what you want, darling." Saad nito at kumindat.

Napairap na lang siya at nailing na nakangisi. Mukhang kailangan na niyang sanayin ang sarili sa pagtawag nito sa kanya dahil mukhang wala itong balak itigil iyon. Kung dati ay Zhuri ang tawag sa kanya, ngayon ay darling naman.

Nasanay na siya sa pagtawag nito sa pangalan niyang 'Zhuri', masasanay naman siguro uli siya sa pagtawag naman nito ng 'darling' .

Pumasok sila sa isang restaurant na medyo walang katao-tao. Halatang mamahalin dahil sa design, presyo at set-up ng mga table.

Umupo sila sa two table seat.

"What's your order, Ma'am, Sir?" Pormal na tanong ng isang lalaking nasa gilid nila, halatang waiter ito dahil sa suot nitong uniform.

Hindi ni Zhuri ito pinansin. Tiningnan niya ang menu ng restaurant na pinasukan nila. Nang may mapili na, sinabi niya iyon sa waiter na naghihintay pa rin ng sagot sa tanong nito.

"Kayo po sir?" Mahinahon na tanong ng waiter kay Sven.

"Same as hers," sagot nito sa waiter at binaba na ang menu na hawak.

Tumango lang ang waiter sa kanila at umalis na.

"Anong gusto mong panoorin? Horror? Fantasy, action? Or romance?" Sunod-sunod na tanong ni Sven sa kanya nang mawala ang waiter.

Sandaling napaisip si Zhuri dahil sa tanong ni Sven. Ngumisi siya nang may mapili na. "Horror," tugon niya kay Sven at ngumisi ng nakakaloko.

Tumango-tango naman ito. Sang-ayon sa sinabi niya. "Okay. After this, darling." Nakangiting sabi sa kanya.

WickedTempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang