Chapter 49

82 4 0
                                    

He's the spy






KALIWA'T KANAN at harap ang tingin ni Zhuri habang naglalakad siya ng mabilis pero tahimik.

Nandito siya ngayon sa loob ng hotel organization, nililibot ang buong hotel para mahanap ang spiya.

Pumasok siya sa exit at umakyat ng hagdan papunta sa sunod na palapag. Nang makapasok sa sixth floor ay tulad kanina ay nilibot niya ulit iyon ng tahimik. Alerto siya sa paligid, matalas ang tingin sa mga nadadaanan niya.

Napatigil si Zhuri sa paglalakad nang may mahagip ang mga mata niya. Napatago agad siya sa pader at tiningnan ang lalaking may suot na cap na kulay itim at naka damit at sapatos na kulay itim din.

Tahimik itong naglalakad at tulad niya ay matalas din ang tingin nito sa paligid. Alerto sa lahat ng bagay.

Ito ang spiya sa organisasyon nila base sa observation niya. Hindi siya nagkakamali.

Akmang lalapit na si Zhuri sa lalaki para hulihin ito nang mapatigil siya. Parang gumuho ang mundo niya nang makita ang mukha nito.

Malayo ito sa kanya at naka sideview—pero kahit ganoon ay nakilala niya pa rin ito.

What are you doing Sven?

Tanong niya sa isipan nang makita si Sven.

Naglagay pa ito ng mask sa bibig at naglakad na palayo.

"Do you find him?" Mabilis na napatingin si Zhuri sa likuran niya kung saan nang galing ang boses.

Si Ruchmore iyon at tulad niya ay hinahanap din ang spiya. "No," pagsisinungaling niya.

Tumango-tango ito. "Let's split up. Diyan ako dadaan." Turo nito sa dinaanan ni Sven. "Dito ka—" Naputol ang sasabihin nito nang magsalita siya.

"Diyan ka na dumaan," ani Zhuri at tinuro ang isang hallway. "Papunta naman na rin ako rito kaya dito na ako dadaan." Turo niya sa dinaanan ni Sven.

Hindi na niya hinintay na magsalita si Ruchmore. Naglakad na siya at iniwan itong mag-isa.

Sinundan ni Zhuri kung saan nagpunta si Sven pero nalibot na niya bawat sulok ng hotel ay hindi pa rin niya ito makita.

Napasabunot na lang si Zhuri sa buhok niya. Hindi makapaniwalang nakita ng dalawang mga mata niya si Sven.

Automatikong napatingin siya sa cctv at mariin na napapikit nang makitang patay iyon.

What the fuck?

Bumalik siya sa pinanggalingan kanina para makita kung patay rin ang cctv. Laking gulat ni Zhuri ng patay rin iyon.

She took a deep breath and ran her fingers through her hair.

Imposible! Hindi ito ang spiya! Hindi maaari!

Naguguluhan na siya sa mga nalalaman niya. Hindi niya alam ang gagawin.

Wala sa sariling naglakad na ulit siya palabas na ng hotel organization. Nang makalabas, agad na nakita ni Zhuri ang mga highest rank na nagtitipon-tipon sa gilid.

Tiningnan niya kung nandoon si Sven. Nagbabakasakaling mali ang akala niya. Nagbabakasakaling hinahanap din nito ang spiya.

Pero lahat ng baka sakali niya hindi totoo. Nakalapit na siya sa mga highest rank at sakto namang dumating si Sven na iba na ang suot.

"Sorry, nalate ako." Wika ni Sven sa lahat na ikinatulala ni Zhuri sandali.

So it's true... He's the spy...

WickedWhere stories live. Discover now