Chapter 28

85 5 0
                                    

I love you too






"LOOK here." Agad na napatingin si Zhuri kay Sven nang tawagin siya nito. Matalim niya itong tiningnan ng picturan siya nito gamit ang DSLR camera na dala-dala nito.

Nasa botanical garden sila ngayon. Nakaupo siya sa isang bench habang tinitingnan ang mga naggagandahang bulaklak.

"Stop that, Sven!" Suway niya rito. Tumawa lang ito at pinicturan ulit siya.

"You look beautiful here, kahit naka maskara ka," nakangiting sabi ni Sven at lumapit sa kanya para ipakita ang tinutukoy nito.

Nang makalapit ito, walang pasabing hinablot niya ang camera at tiningnan ang mga larawan na kinuha nito.

"Bakit mo ba ako pinipicturan?" Tanong dito ng makitang puro larawan niya.

Ngumisi lang si Sven sa kanya na ikinaismid ni Zhuri. Tumayo siya sa kinauupuan dala ang camera at lumayo rito. Itinaas niya ang isang kamay kung na saan ang camera at winagayway sa lalaki.

She mischievously smirked. "Pag hindi mo 'to nakuha sakin, itatapon ko ito sa basurahan." Hamon niya kay Sven. Hindi ito nagsalita. Mabilis itong naglakad palapit sa kanya.

Nang tumakbo na si Sven papunta sa kanya, napatakbo na rin si Zhuri nang mabilis palayo rito.

Naghabulan sila, bawat daan na pwedeng matakbuhan para hindi mahuli ay dinaanan ni Zhuri.

Napatingin si Zhuri sa likuran niya para makita si Sven. Nang malaman niyang malapit na ito ay napangisi siya ng lihim at binilisan ang takbo.

Nang may makitang railings na nakaharang sa gilid ay tumalon siya roon at mabilis na nagtago sa mga halaman.

Lihim na natawa siya ng makitang lumampas na sa kanya si Sven, at halata sa mukha nito ang pagtataka kung bakit nawala siya bigla.

Dahan-dahang naglakad si Zhuri habang nakayuko palayo rito. At nang may makitang lusutan. Nagpunta siya roon para makaalis na sa pagtatago sa mga halaman.

Napabuga siya ng hangin nang makalabas. Akmang tatayo na ng tuwid nang may sumulpot bigla sa harap niya na lalaki.

"Got you," ani Sven nang makita siya.

Tumayo ng tuwid si Zhuri at tumingin sa mukha nito na nakangisi. "Paano mo ko nakita!?" Napanguso siya at nag krus ng braso habang hawak pa rin ang camera.

Ngumisi lang si Sven at nilahad ang palad sa harapan niya. "The camera, please..."

Napairap siya rito at akmang tatakbo ulit nang mahuli nito ang beywang niya. Mahigpit nitong yinakap ang beywang niya para hindi siya makawala. "Na-ah, darling."

Napairap si Zhuri rito at magsasalita pa sana ng bigla siyang kilitiin ni Sven sa beywang niya na ikinatawa niya nang malakas.

Napaupo siya sa ginawa nito habang patuloy pa rin na tumatawa dahil patuloy pa rin ito sa pagkakakiliti sa kanya. Para siyang uod na binudburan ng asin. "Stop it! Sven—HAHAHA!" Tawa niya at sinubukang pigilan ito.

Natapon niya ang camera sa kulay green na damo kaya napatigil si Sven sa pagkakakiliti sa kanya para kuhain na ang camera.

Habol-hininga si Zhuri ng matigil at napatingin kay Sven na nakatayo na at hawak na ang camera nito.

Inilahad nito ulit ang palad sa harapan niya. "Tumayo ka na," nakangising sabi nito na ikinairap niyang nakangiti.

Tinanggap niya ang kamay nitong nakalahad at tumayo ng hilain siya nito patayo.

"Ang daya mo, nangingiliti ka," aniya at pinagpag ang damit.

Humalakhak ito. "Wala namang rules na bawal mangiliti, ah?"

WickedDove le storie prendono vita. Scoprilo ora