Chapter 25

91 4 0
                                    

Baguio






"SAAN TAYO pupunta?" Tanong ni Zhuri kay Sven na nagmamaneho. Kanina pa niya gusto itong tanungin, lalo na no'ng sinabi nitong magdala ng damit pampalit.

Tumingin ito sandali sa kanya bago tumingin uli sa dinadaanan. Ngumiti ito ng tipid. "Baguio," maikling sagot nito.

Napatingin siya sa dinadaanan nila ng sabihin nitong 'baguio'. "Anong gagawin natin doon?" Nagtatakang tanong niya ulit.

Tumingin si Sven sa rearview mirror para silipin uli siya. "Secret," sagot ulit nito sabay kindat sa kanya.

Nakangiting umiling-iling na lang siya sa sinabi nito. Kapagkuwan, tumingin na lang sa labas ng bintana.

Ipinikit muna ni Zhuri ang mga mata dahil malayo pa naman sila sa pupuntahan.

Ilang sandali, kahit naramdaman niyang huminto ang sasakyan ay hindi pa rin niya iminulat ang mga mata.

Lihim siyang napangiti ng maramdaman na maingat na inangat ni Sven ang ulo niya para malagyan ng malambot na unan ang bintana kung saan nakasandal ang ulo niya. Matapos, may ipinatong ito na kung ano sa katawan niya, sanhi para makaramdam siya ng init at sarap sa pakiramdam.

Ganoon lang si Zhuri sa buong minuto, nakapikit ang mga mata hanggang sa makatulog na siya ng tuluyan.

.
.
.
.
.

Nagising si Zhuri nang may mahina at maingat na yumuyugyog sa balikat niya. Iminulat niya ang mga mata at napatingin kay Sven.

"Hey. Sorry, I woke you up. May binili akong pagkain, kain ka na." Malambing na sabi sa kanya. Tumingin siya sa dashboard nang mahagip ng mata niya ang mga binili nito.

Tumango lang si Zhuri at tinanggal muna ang blanket na nasa katawan niya bago kuhain ang Mcdo na ibinili ni Sven. "Kumain ka na?" Tanong dito habang ang tingin ay nasa supot na may laman. Spaghetti, chicken with rice, burger and fries ang nasa loob.

Tumingin siya kay Sven ng hindi nito sinasagot ang tanong niya.

Umiling ito sa kanya. "Hindi pa," sagot nito.

Tumango siya at binigay rito ang supot. "Sabayan mo 'ko. Ikaw na bahala kung ano kakainin mo at sa akin."

Matamis itong ngumiti sa sinabi niya at tumango. "Yes, Madam," nakangiting anito. Sinimulan na nitong sundin ang utos niya. "What do you want? Rice with chicken or spaghetti?"

Nagkibit-balikat siya. "Ikaw bahala," tugon rito, hindi alam kung saan sa dalawa ang gusto niyang kainin.

Wala sa sariling napangiti si Zhuri nang mag pout ito. "How about rice with chicken? Okay na ba yon? Mas mabubusog ka sa rice kesa sa spaghetti." Tumango siya sa sinabi nito. "Burger or fries?"

"Hatiin mo na lang yun burger para mero tayo parehas," utos niya at humikab.

Tumango ito. "Tara doon tayo sa labas," aya nito na ikinakunot ng noo niya.

Labas?

Napatingin si Zhuri sa labas dahil sa sinabi nito. Napaawang ang bibig niya nang makita ang magandang kalangitan at magandang syudad.

Lumabas siya sa kotse at lihim na natawa sa sarili dahil hindi niya man lang napansin. Malamig ang klima pero binalewala niya iyon at patuloy na nilibot ang paningin sa buong paligid.

Nasa mataas silang lugar, walang tao at kita ang buong syudad sa ibaba.

Patuloy niyang inilibot ang paningin sa paligid. Dalawang malaking puno ng acacia meron. Halatang healthy iyon. May mga iba't ibang kulay rin ng bulaklak, pati paro-paro.

WickedWhere stories live. Discover now