Chapter 55

81 2 0
                                    

Chasing by darkness







FIVE DAYS HAD passed, and they were back on their mission. Ever since she and Sven woke up the next morning, Zhuri completely changed.

She is always smiling, and it is only during the mission that she becomes serious and emerges as a Bloody girl. She is no longer the one who is always too cold to talk to. Sven changed her. Sven is the reason why she is always smiling and has many friends now.

She thought her happiness was limitless, but it turns out it isn't. Because, one night, she had the most terrifying nightmare.

"Sa akin kana ngayon, hija," wika sa kanya ng isang matandang lalaki.

Naglalakad sila ngayon sa hallway. Hindi alam ni Stell kung saan sila papunta.

"Ayaw mo ba niyon? Nakawala kana sa ama mo. Hindi kana niya sasaktan," dagdag nito na ikinatingin niya rito.

Ngumiti si Stell sa matanda ng tipid. Hindi niya kayang ngumiti ng malapad kahit na narinig na niya na nakaligtas na siya sa ama niya.

Hindi niya alam kung bakit. Hindi niya alam kung bakit nakakaramdam siya ng kaba eh ligtas na naman na siya.

"Salamat po," pilit ni Stell pinasigla ang boses ng sabihin iyon.

Ngumiti naman ang matanda. Ngiting kakaiba. "Walang anuman," anito at hinawakan siya sa beywang sanhi para bahagya siyang magulat. "Gusto mo ba makita kwarto mo?"

Wala sa sariling tumango siya rito. "Opo," sagot niya na ikinangiti nito ng malawak.

Iginiya siya nito papunta sa kwarto niya. Habang naglalakad, hindi maiwasan ni Stell na mapatingin sa paligid.

Wala na kasing mga kwarto ang naroroon sa pasilyo na nilalakaran nila ngayon. Medyo nawawala na rin ang mga ilaw dahil dumidilim ng konti bawat hakbang nila.

Nang makarating na, huminto na sila sa pinto ng silid. "Mula ngayon, akin kana ha? Papakabait ka, gagawin mo lahat ng utos ko para maibigay ko sa iyo ang gusto mo," malumanay na wika nito sa kanya.

Kahit nakakaramdam ng kaba ay tumango pa rin siya. "S-Sige po."

"Sige, pumasok kana," utos nito sa kanya at binuksan na ang pinto na gawa sa bakal.

Pumasok na si Stell ng silid at nagulat siya dahil sobrang dilim ng loob. Nang mapatingin siya sa matandang lalaki ay nakangisi ito sa kanya. Ngising ikinabilis ng tibok niya dahil sa kaba.

"Ito ang gusto kong gawin mo. Dito ka muna sa loob ng isang linggo," anito na ikinanigas niya. Parang sirang plaka na nagplay sa isip ni Stell ang huling sinabi nito.

Pumasok na rin ang matanda sa silid kaya napaatras siya. Nang makapasok na ito at masarado ang pinto ay binuksan na nito ang switch ng ilaw.

Nang mabuksan, napatingin siya sa paligid.

Isang kama lang ang nasa kwarto at... Tatlong lalaki na nakatingin sa kanya habang nakangisi. Ngising alam niyang may balak na masama.

"Sila ang makakasama mo sa silid na ito. Pakabait ka ha? Gawin mo lahat ng gusto nila," dagdag ng matandang lalaki. Pagkuwan pinatay na ulit ang ilaw sanhi para wala ng makita ni isa sa paligid.

Nang buksan na nito ang pinto ay dali-dali ni Stell itong hinabol dahil ayaw niya sa kwartong ito. Takot siya makasama ang mga lalaki.

Akala niya ay maaabutan niya ang matanda pero hindi. Naisarado na nito ang pinto bago siya makalapit. "A-Ayaw ko po rito!" Sigaw niya at naiiyak na malakas na tinapik ang pinto.

WickedWhere stories live. Discover now