Chapter 45

93 6 0
                                    

Respect




R18


NAKAUPO SI Zhuri sa upuan sa isang sulok ng pool area. Tulala sa kawalan. Hindi pa rin makapaniwala sa mga narinig niya.

Parang gusto niyang kutusan ang sarili dahil kahit may parte sa kanyang naniniwala na kasama lang siya sa plano ni Sven ay hindi niya pa rin magawang magalit.

"Are you bored?" Napatingin siya sa nagsalita, at nakita niya si Kaye na katabi niya na pala. Hindi niya napansin ito o naramdaman dahil wala siya sa sarili.

Napabuntong-hininga si Zhuri at walang-ganang tumango.

"Where's you boyfriend? I heard na boyfriend mo si Sven," saad nito.

"Kasama si Trevis," walang ganang sagot niya. "Ikaw? Wala kang magawa?"

Umiling ito. "Hindi ako mahilig sa party, napilit lang ako ni Trace." Anito sabay buntong-hininga.

Napatango lang siya at napatingin silang dalawa ni Kaye sa papalapit sa kanila na si Treize.

"Can I borrow my girlfriend for a moment?" Tanong ni Treize sa kanya na ikinataas ng kilay niya.

Girlfriend? Did I hear it right?

Nagsalit-salitan ang tingin ni Zhuri sa dalawa na si Treize at Kaye. Hindi makapaniwala na nagkatuluyan ang dalawa.

Sino nga ba ang hindi makakapaniwala? Parang dati lang, ayaw ni Kaye kay Treize.

Matalim ang tingin na ipinukol ni Kaye kay Treize. "Nag-uusap pa kami, fyi," masungit na anito kay Treize.

"Bloody?" Napairap si Zhuri ng tawagin siya ni Treize. Nakikiusap ang mga mata nito na pwedeng iwan ba siya.

"Whatever," tanging na sabi niya at tumayo na para iwan sila Treize at Kaye. Wala siyang ganang makipag-usap dahil gulong-gulo ang isipan niya ngayon.

Papasok na sana si Zhuri ng mansion nang makasalubong si Sven at Trevis.

Nakasimangot si Sven na nakatingin kay Trevis, pero nang tumingin sa kanya ay ngumiti agad ito, nawala ang pagkasimangot sa mukha.

Pasimpleng napabuntong-hininga na lang si Zhuri sa ginawa ni Sven. Hindi alam kung ano iisipin, kung totoo ba ang ngiti na pinapakita nito o peke. Wala siyang mabasa sa kulay asul na mga mata nito kundi kasiyahan nang makita siya.

Well, I guess hindi naman peke.

"Hey, baby."  Ani Sven at lumapit sa kanya.

"Hey," walang ganang tugon niya at tumingin kay Trevis na putok ang labi at may pasa sa kabilang pisngi.

"Doon lang ako," paalam ni Trevis sa kanila ni Sven at naglakad na papunta kila Ruchmore at Jaxit.

"Is there something wrong?" Tanong agad ni Sven nang maramdaman siya na parang walang gana sa lahat.

"Inaantok lang ako," pagsisinungaling niya rito.

Tumango ito at pumunta sa gilid niya para hawakan ang beywang niya. "Gusto mo na matulog?" Malambing na tanong nito sa kanya.

"Yeah," tanging na sabi niya at naglakad na papasok ng mansion, paakyat ng second floor.

Iginiya naman siya ni Sven sa guest room kung saan sila natulog dati. Nang makapasok, pinatay agad ni Sven ang ilaw kaya hinubad na niya ang maskara.

Pabagsak na humiga si Zhuri sa kama at tumabi naman sa kanya si Sven. "Hindi ka mags-stay sa baba?" Tanong niya kalaunan ng yakapin siya ni Sven mula sa likuran.

WickedWhere stories live. Discover now