Epilogue

133 4 1
                                    

Happy and Contented






DEVON automatically smiled when he saw her daughter arguing in front of Trevis daughter.

"No! I said I want a gun!" His daughter said, Ember. Ember Qarinah Daveroux, 7 years old.

Yes, 7 years. 7 years na ang nakalipas matapos ang laban ng triad at ang organisasyon. Now, it's going to be 8 years dahil noche buena na at ilang araw na lang ay new year na. Their lives are now back to normal. Though, mas peaceful nga lang ito kumpara sa dati.

"Hindi pa nga tayo pwede gumamit niyon!" Pakikibangayan din ng anak na babae ni Trevis na si Chaos, Chaos Perdini.

Nakapamaywang si Chaos at nakataas ang dalawang kilay. Nang makita ni Devon na umirap ang anak niya na si Ember ay napailing na lang siya. Just like her mother, pala-irap din ito sa mga tao at malamig kausap pag hindi kaclose ang isang tao.

Pinanood niya lang ang dalawang batang nasa garden ng bahay nila ni Zhuri. Hindi siya lumalapit at nakikinig lang.

"Hmm.. someone's watching." Agad na napatingin si Devon sa pamilyar na boses na nagsalita. Lalong lumapad ang ngiti niya nang makita ang asawa.

Nakaiglip ito kaninang hapon kaya bagong gising ito ngayon. Papungas-pungas pa ang mga mata na lumapit si Zhuri sa kanya. "Good evening," malambing na bati niya at marahan na hinalikan ito sa noo.

Pinanood din nito ang mga batang nagbabangayan kaya napatingin na rin siya ulit doon.

Napatitig si Devon sa mukha ng anak nila ni Zhuri. Kuha ng anak nila na si Ember ang kulay ng mata niya at hubog ng kilay. Nakuha naman nito ang bagsak na buhok, ilong at magandang labi ng asawa niya na mama nito.

"Our daughter really wants a gun," ani Zhuri nang marinig ang gustong bilhin ng anak nila.

Napailing na lang si Devon at mahinang natawa. "We don't want her to be like us na natuto agad humawak ng baril sa murang edad. Self defense muna dapat."

"Yeah. Ewan ko ba at bakit nagustuhan ng anak natin humawak agad ng baril."

"Dahil mana sa inyo." Napatingin silang dalawa ni Devon at Zhuri sa nagsalita bigla galing likuran.

Nakita nilang pumasok galing sala ng bahay nila sila Trevis, Yua, Erech at Cloud. Kasama ni Erech at Cloud ang magkambal nilang anak na lalaki na si Ash at Winter.

Agad na nagsipuntahan ang kambal kila Ember at Chaos para manggulo. Hinayaan na lang niya iyon at itinuon na ang pansin sa dumating.

Napansin ni Devon na may dala ng pizza si Trevis na pinabili niya kanina. Si Cloud at Erech ay may dala-dalang branded na paper bag na regalo para sa mga bata.

"Where's everyone?" Tanong ni Erech sa kanila ni Zhuri nang mapansin wala pa ang ibang mga kaibigan.

"Papunta na sila," sagot niya at saktong pagkasabi niyon ay biglang bumukas ang main door ng bahay nila ng asawa niya.

Pumasok ang kaibigan nila na si Jaxit, Maverick, Callez, Treize, Nicholas, Agartha, Trace at Kaye. Kasama ng mga ito ang anak nila.

Ang pangalan ng anak nila Kaye at Treize ay Maura at Zell Montague. Si Jaxit at Trace naman ay si Calcifer Vasquez. Verity at Ivy naman pangalan ng anak nila Agartha at Nicholas. At si Maverick at Callez ay may mga anak na rin at asawa. Pangalan ng asawa ni Maverick ay Risy Watson, at ang pangalan ng anak ay Maximilian Rei Sander. Samantalang si Callez ang pangalan ng asawa ay Jullica Sandoval, at ang anak ay Torelai Pendleton.

Tulad nila ni Zhuri may mga pinagdaanan din ang mga kaibigan nila bago humantong sa masayang buhay.

Nang kompleto na sila dahil dumating na rin ang mga kapatid ng asawa niya ay inayos na nila ang hapag kainan para pagpatak ng 10:00pm ay handa na ang mga pagkain at kakain na lang sila at magkakasiyahan.

WickedWhere stories live. Discover now