Chapter 33

108 7 0
                                    

Want it





R18


MATAPOS NILA Zhuri at Sven kumain, inubos nilang dalawa ang natitirang oras sa pag-uusap ng plano na gagawin mamaya.

Dumapo ang tingin ni Zhuri sa cellphone niya na nakapatong sa lamesa nang mag-vibrate. Kinuha niya iyon, at nang makitang si Erech ang tumatawag, sinagot niya agad.

[It's already 7:00 pm. Maghanda na kayo dahil before 7:30pm kayo pupunta roon,] ani Erech na ikinatango niya.

"Okay," maikling tugon niya at pinatay na ang linya.

"Who's that?" Napatingin siya kay Sven ng magtanong ito.

"Erech. Sinabi niya na kailangan mga 7:30 pm nandoon na tayo," sagot sa tanong nito.

Napatingin ito sa orasan ng restaurant. "7:00 na. Let's go," anito na ikinatango niya.

Tumayo na sila at lumabas ng restaurant. Nang makapasok na silang dalawa sa kotse, pinaandar na agad ni Sven ang sasakyan paalis.

Tumingin si Zhuri sa labas ng bintana habang nagmamaneho si Sven. Kita niyang napadaan sila sa walang gaanong bahay dahil mas marami ang puno.

"It's raining," sambit niya nang malakas na bumuhos ang ulan.

Napatingin siya kay Sven na binuksan ang ilaw ng sasakyan dahil malabo ang daan.

"You okay?" Malumanay na tanong kay Sven. Sinisigurado kung maayos lang ba ito sa pagda-drive dahil wala silang makita kundi kalsada lang dahil sa lakas ng buhos ng ulan.

"Yep," sambit nito na ikinatango niya lang.

Akmang bubuksan ni Zhuri ang stereo para malibang nang mag vibrate ang phone niya. Kinuha niya iyon sa bulsa ng suot niya at agad na sinagot ang tawag ni Erech nang makitang tumatawag ito.

[Hindi matutuloy ang transaction,] deretsong sabi nito na ikinakunot ng noo niya.

"Why?"

[Sa mga nakalap kong impormasyon ngayun-ngayun lang. Matutuloy bukas ng hapon ang transaction dahil hindi raw makakasipot ang katransaksiyon ni Quilin ngayon,] paliwanag nito na ikinairap niya dahil sa inis.

"Okay. I will tell this to Sven, bye."

[Bye,] paalam rin nito at binaba na ang tawag.

Akmang sasabihin na sana ni Zhuri kay Sven ang sinabi sa kanya ni Erech nang magmura ito sa kawalan.

"Fuck!" Mura nito at sinubukan ulit paganahin ang sasakyan dahil huminto na lang basta-basta sa daan.

Kumunot muli ang noo niya. "What happened?" Nagtatakang tanong rito.

Suminghal ito at tumingin sa kanya. "I don't know, darling. Basta na lang huminto ang kotse," sagot nito sa tanong niya at pinaandar ulit ang kotse. Pero nakakailang subok na, wala pa rin kaya napabuga ito ng hangin sa kawalan. "It's not working." Namomoblema nitong sambit.

Napatingin si Zhuri sa paligid dahil sa sagot ni Sven. Ambon na lang kaya nakikita na niya ng malinaw ang paligid.

"Look over there, Sven." Turo niya sa nakita niyang mala hotel. "Doon muna tayo tumuloy dahil hindi matutuloy ang transaction, at sira ang sasakyan natin." Aniya na ikinatango nito.

"Bakit hindi raw matutuloy?" Nagtatakang tanong nito sa kanya.

"Hindi raw susupot ang ka-transaksiyon," mabilis na sagot niya. "So, let's go? Mukhang hindi talaga aandar ang sasakyan."

WickedWhere stories live. Discover now