Chapter 57 (Part 1)

87 2 0
                                    

Devon Sven Daveroux







"NICE ACTING," BUNGAD na sabi ni Trevis sa kanya ng makapasok sa bagong mansion niya.

Nakaupo si Devon ngayon sa armchair, nakatalikod kay Trevis. Wala siyang balak humarap sa matalik niyang kaibigan.

Nagsalin siya ng wine sa glass wine at ininom iyon. Napataas ang kilay niya ng umupo si Trevis sa isang armchair na nasa harapan niya.

"So rude, Devon. Parang kanina lang ang friendly mo tingnan," nakangising wika nito sa kanya.

Nailing na nakangisi siya rito dahil halatang inaasar siya nito.

Tama ito, acting niya lang ang pagiging new member. Siya ang first highest rank, si Devon Sven Daveroux. Ang kinakatakutan ng lahat.

Nagpanggap siya na maging new member, higit sa gusto niya mahanap ang babaeng kay tagal na niyang gustong makita, may mission din siya na ipinautos ng ama niya.

Ang mansion na ito kung na saan siya ngayon, parte ito ng mission niya. Dito muna siya hangga't hindi pa maayos ang lahat.

"So siya pala ang tinatawag na bloody girl," kalmadong pero malamig ang boses na aniya. Alam na nito ang pinupunto niya kaya hindi na siya nag explain pa. "Hazatora, huh?"

"Yep, siya ang kinukwento ko sayo. Higit sa atin, siya din ang kinakatakutan ng lahat. Siya rin ang may gawa ng punishment house."

Napatango na lang si Devon dito. Sumagi sa isipan niya uli ang babaeng code name ay Bloody girl.

Partner, huh..

Sa hindi malamang kadahilan, nakaramdam siya ng excitement na makakapartner niya ang babaeng kinakatakutan ng lahat.

Napangisi si Devon ng maglakad na paalis ang babaeng si Zhuri. Umalis na ito dahil may meeting ang mga highest rank.

Devon is now at Zhuri and Erech's base house. Dinala siya rito para malaman niyang may base silang tatlo at may rule pa na sinabi sa kanya.

Ilang sandali lang, tuluyan na itong nawala. Napawi ang ngisi niya sa labi at seryosong tumingin sa folder.

Tiningnan niya lang ang mga iyon, walang balak basahin dahil tinatamad siyang magbasa.

And without even planning to put the folders back in the drawer, too, he got up from his seat and left.

Nang makasakay sa kotse niyang nakaparada sa labas ng base house. Binuksan ni Devon ang bintana ng driver seat at kinuha ang isang pirasang sigarilyo sa kaha.

He lit it and leaned against the open window with one arm holding the cigarette.

Zhuri Hazatora...

Napailing-iling siya habang nakangisi ng banggitin ang pangalan ng babae sa isipan niya.

Napawi ang ngisi ni Devon sa labi ng sumulpot si Agartha sa usapan nila ni Jaxit. Nandito siya ngayon sa organization base. Habang hinihintay na dumating si Zhuri, nakipag usap muna siya kay Jaxit na tinuring niyang kaibigan sa organisasyon.

Matalim ang tingin ni Agartha sa kanya na ikinataas ng kilay niya. And that's where it started, the deal and their battle over who will be the new Nineth highest rank.

Hindi dapat ito kakalabanin ni Devon dahil wala naman siyang pakialam sa pagiging highest rank. But the girl, Agartha, is so annoying. And he hate annoying people, just like Zhuri. Both of them don't like noisy people.

Nagkunwaring pinapakita niya rito ang buong lakas para makita nito na pursugido siyang manalo kahit hindi naman. Because honestly, he has no desire to fight, especially with a person who has shown the strength to beat him whereas he, just pretending.

WickedWhere stories live. Discover now