Chapter 51

91 4 0
                                    

Trust






TAHIMIK BUONG gabi si Zhuri, sinusubukan niyang iwasan si Sven dahil sobrang sakit na ng ulo niya sa dami ng nalalaman. Parang sasabog na, konting-konti na lang.

"Baby, do we have a problem?" Malambing na tanong ni Sven sa kanya ng mapansin na kanina pa niya hindi ito pinapansin.

Umiling lang siya at tumayo na sa pagkakaupo sa sofa. "Masama pakiramdam ko. Ikaw na lang mag sabi kay Erech na i-cancel ang mission ng isang linggo." I need rest. "Sa kwarto lang ako," kalmadong dagdag niya at naglakad na paakyat ng hagdan, papunta kung saan siya natutulog palagi.

Nang makapasok sa kwarto ay pinatay niya na ang ilaw para matanggal ang  maskara. Kapagkuwan, nagtungo sa kama para mahiga.

Ilang minuto si Zhuri nakatulala lang sa dilim. Nire-reload lahat ng nalaman niya.

Sven is the spy in their organization. Kakampi nito si Trevis kaya hindi ito mahuli—at nagpapasalamat siya kay Trevis dahil hindi nito pinabayaan si Sven.

Kahit may galit na nararamdaman si Zhuri kay Sven dahil hindi nito sinasabi sa kanya ang tungkol sa pagiging spiya nito ay hindi niya pa rin kayang ipahuli ito. Ayaw niyang mapahamak ito, hindi niya kakayanin kung mawawala ito.

Siguro ganoon nga talaga siya. Tanga magmahal. Mas pinili niya si Sven kesa sa obligasyon niya bilang mataas na rango.

Malakas na buntong-hininga ang pinakawalan ni Zhuri.

Iniisip rin niya kung... paano pag kasama siya sa mga plano ni Sven?

Ilang araw na iyong tanong na iyon sa isipan niya. Hindi maalis-alis.

"Ano gagawin ko kung kasama nga ako?" Wala sa sariling tanong niya sa kawalan.

Hindi ni Zhuri kayang magtanim ng galit kay Sven. Sa haba ng pinagsamahan nila ay mukhang hulog na hulog na nga siya sa lalaki. Ang dami na niyang nalaman pero ito pa rin siya... Nasa bahay ni Sven, nasa kwarto at pansamantalang makikitulog. Hindi na naisipan na baka paggising niya ay isinunod na siya kay Agartha—And speaking of Agartha.

Ano na kayang nangyari sa kanya? Pinatay na ba siya?

Tanong niya ulit sa sarili.

Pero paano? Paano si Agartha napunta roon? Alam rin ba nito ang tungkol kay Sven at sa pag-iimbestiga nito ay nahuli ito?

Naguguluhan na si Zhuri at dahil wala namang makuhang sagot sa katanungan niya ay sinubukan niya na lang matulog.

Pinilit niyang makatulog pero hindi talaga siya makatulog, hanggang sa maramdaman niyang bumakas ang pinto at sumara ulit. Iminulat niya ang mga mata at pinakiramdaman ang pumasok.

May sumampa sa kamang kinahihigaan niya at kilala na niya kung sino iyon.

Nang tumabi si Sven sa kanya at niyakap siya mula sa likod ay automatikong napapikit si Zhuri. Naghintay siya ng ilang segundo kung magsasalita ito pero nakalipas na ng ilang minuto ay hindi ito nagsalita. Tahimik lang sila hanggang sa makatulog na siya dahil sa katahimikan at sarap sa pakiramdam dahil sa mainit na yakap ni Sven.

———————
————

Tatlong araw na ang lumipas at ni isa sa araw na iyon ay hindi ni Zhuri magawang pansinin si Sven, kahit nagpapapansin na ito sa kanya.

Hindi niya ito magawang pansinin dahil hanggang ngayon ay nanatiling nasa isipan niya pa rin ang mga katanungan.

Hanggang sa bumigay na siya. Eight o'clock ng gabi... Nakatulala si Zhuri sa kawalan. Nasa guess room siya at nakaupo sa kama habang nakasandal ang likod sa headboard.

WickedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon