Chapter 34

103 6 0
                                    

Quillin






TANGHALI NANG nagising sila Zhuri at Sven dahil sa ginawa nila buong gabi. Kinusot-kusot ni Zhuri ang mga mata pagkamulat at nilibot ang paningin sa buong kwarto.

Nang wala siyang makita dahil hindi pa rin naka bukas ang ilaw... Lumingon siya sa katabi niyang nakayakap sa beywang niya.

Napapikit siya ng mariin nang maalala ang nangyari kagabi. Halos lahat na ata ng style pag nagma-make love ay nagawa na nila.

Iminulat ni Zhuri ang mga mata nang gumalaw si Sven sa tabi niya. Yumakap ito sa kanya nang mahigpit at siniksik ang mukha sa leeg niya.

"Sven," mahinang tawag sa lalaki.

"Hmm?"

"We need to get up. We have a mission, remember?" Pagpapaalala ni Zhuri rito na walang balak gumising.

"Mamaya na. I love doing this. Hugging you," malambing na sabi nito na ikinairap niyang nakangiti.

Binaklas niya ang pagkakayakap ni Sven sa beywang niya at binalot muna ang katawan ng kumot bago bumangon.

"Close your eyes. May ilaw na siguro kaya bubuksan ko na ang ilaw," saad niya rito.

"Yes, Ma'am," sagot nito na ikinailing niyang nakangiti.

Bumangon si Zhuri at inunat ang masakit na katawan. Nanginginig rin ang kanyang mga binti kaya napahawak siya sa pader para hindi siya matumba.

Dahan-dahan siyang nagtungo sa switch ng ilaw para buksan. Nang mabuksan, tumingin siya kay Sven na nakatalikod sa kanya habang nakahiga pa rin.

Maikling napangiti siya sa ginawa nito. Hinanap na ni Zhuri ang maskara, at nang makitang nasa sahig... Kinuha at sinuot na niya iyon.

"I'm done," wika kay Sven at akmang titingin na siya rito nang mahagip ng mata niya ang hubad nitong katawan. Naalala niyang nasa kanya pala ang kumot.

"Come here." Napaangat siya ng tingin nang sabihin ni Sven iyon. Nakatingin na ito sa kanya nang tingnan niya ito ng deretso at tinapik-tapik ang tabi nito. Pinaparating na tumabi siya sa kama.

"Baka malate tayo," paalala ni Zhuri at tumingin sa wallclock ng kwarto.

Tumayo na ito at lumapit sa kanya. Nang makalapit, niyakap siya ni Sven sa beywang nang mahigpit na ikinatawa niya ng mahina.

"Stop being clingy, Sven," saad niya. Mahinang natawa ito nang yumakap rin siya rito.

Habang magkayakap sila. Nilibot ni Zhuri ang tingin sa paligid. She noticed their garments on the floor and the pillow where Sven had once unleashed his cum of manhood.

"Tss... I'm on depo, so you don't have to do that," pagsisinungaling niya. Tinutukoy ang unan. Gusto niyang sabihin rito na she was dysfunctional because of her past pero natatakot siya.

Kumalas sa pagkakayakap si Sven sa kanya para tingnan ang mukha niya. "What do you mean?" Nagtatakang tanong nito.

Tipid na ngumiti si Zhuri at tinuro ang unan na tinutukoy niya. Tiningnan iyon ni Sven at napaawang ang bibig nang makita ang tinutukoy niya.

"You didn't tell me," nahihiyang saad nito sa kanya. Kita niyang namula ang pisngi nito kaya natawa siya. Dinampot na lang niya ang damit nilang nakakalat sa sahig kesa asarin pa ito.

Nang madampot ni Zhuri ang damit ni Sven, binato niya iyon kay Sven na agad namang nasalo. Kinuha na rin niya ang damit niya at nagtungo sa banyo... pero bago pa man masara ang pinto, humarang na si Sven sa pinto na ikinataas ng kilay niya.

WickedWhere stories live. Discover now