Chapter 46

88 6 0
                                    

Wrestling






NANG maramdamang bumalik na sa normal ang mga hita ni Zhuri at kaselanan niya ay bumangon na siya para maligo at magbihis ng binigay na bagong damit ni Sven.

Nang matapos, tumingin siya sa salamin para patuyuin ang buhok. Habang ginagawa iyon, hindi niya maiwasan mapansin ang kahabaan ng buhok niya.

Ang haba na pala ng buhok niya. Aabot na ito hanggang pwet niya. Nagmumukha na siyang sadako dahil higit na mabaha ito, bagsak na bagsak pa ang pagkanatural niyang buhok na kulay itim.

Napabuntong-hininga si Zhuri at tinapos na ang pagtutuyo ng buhok. Kapagkuwan, lumabas na ng kwarto at bumaba ng hagdan.

Nang makababa, agad niyang nakita si Sven sa sala na may kausap sa phone. Nang makita siya nito, binaba na nito ang tawag at lumapit sa kanya.

"You feel better now?" Malambing ang boses na tanong nito sa kanya at inalalayan siya.

"Yep. Effective yun nilagay mong cream," tugon niya at sumilip sa labas para makita kung hapon na ba.

Nanlaki ang mga mata ni Zhuri ng makitang gabi na. Awtomatikong napatingin siya sa wallclock at nakita niyang magte-ten o'clock na.

What the hell?

"Bakit hindi mo sinabi sakin na gabi na pala?" Tanong niya kay Sven. Gulat pa rin dahil hindi niya inaasahan na gabi na pala.

Napatingin rin ito sa labas ng bintana. "Sorry, nakalimutan kong sabihin." Anito at tumingin ulit sa kanya. "Sobrang napagod ka kagabi. Ayaw kitang gisingin dahil alam kong pagod ka," paliwanag nito na ikinabuntong-hininga niya.

"What about our mission today?"

"Kakausap ko lang kay Erech. Naiintindihan niya naman kaya hindi siya nagalit. And besides, about kay Lim Huang lang naman iyon, wala naman tayong ililigtas na buhay."

"Naintindihan? Ano ba idinahilan mo?" Sa dami ng sinabi nito, ang 'naiintindihan niya naman' ang nakakuha lang ng atensiyon niya.

"Sinabi ko na may sakit ka," tugon nito at mahinang natawa sa sarili.

Nakahinga si Zhuri ng maluwang sa sinabi nito. "Akala ko sinabi mo talaga yun nangyari sa'tin," aniya na ikinatawa ulit nito.

"Why would I tell that? It's private," anito na ikinairap niya na lang ng nakangiti.

Nilampasan ni Zhuri ito para makaupo sa sofa. Nang makaupo, tumingin uli siya kay Sven na nakaharap sa kanya at naka krus ang braso.

"Anyway, ano na pala nangyari matapos ng party?" Kalaunan tanong ni Zhuri rito.

Lumapit si Sven sa kanya para umupo sa tabi niya. Nang makaupo, inakbayan siya nito at isinandal niya naman ang ulo niya sa balikat nito. "Well, pinalinis ni Trevis sa mga tauhan ang kalat." Sagot na ikinatango niya lang.

Ilang sandali silang natahimik. Ganoon pa rin ang position nila, hanggang sa magsalita siya. "Asan si Goldy?" Kalaunan tanong ni Zhuri nang hindi makita ang aso.

"Tulog na. Bukas na kayo maglaro."

"Tss... Wala akong magawa, eh." Aniya na ikinatawa nito ng mahina.

"We can make love again if you want." Kinurot niya si Sven sa tagiliran ng sabihin nito iyon. Napa-aray ito at sumimangot sa kanya.

"Magtigil ka muna, kagagaling ko pa lang." Suway niya rito na ikinahalakhak nito at yinakap siya ng patagilid.

Hinalikan nito ang gilid ng noo ng maskara niya. "Kung ayaw mo... Anong gusto mo gawin natin ngayon? Matulog ulit?"

"Hindi," sagot niya agad dahil ayaw niya uli matulog. Hindi pa siya inaantok. Napangiti si Zhuri nang may maisip. "Alam ko na."

WickedWhere stories live. Discover now