Chapter 30

100 7 0
                                    

The underground base






TININGNAN ni Zhuri ang buong sarili sa salamin. She is now wearing black leggings paired with a crop top tank that is also black.

Kinuha niya ang petite leather biker jacket at isinuot. Sunod naman ang sneaker. Nilagay niya ang dalawang pistol gun sa magkabilang leg holster. At kinuha niya ang throwing knife at nilagay sa leg sheath holster holds 6 blades na nasa kanang hita niya. Kapagkuwan, isinabit sa balikat ang Wieger StG-940.

Nang matapos na siya sa pag-aayos, kinuha na niya ang maskara at isinuot. After that, she exited the mansion after leaving the room.

Sumakay na siya sa ducati niya na nasa garahe at pinaharurot papunta kung saan ang address ng base ng lalaking si Wú Chen. Nang makarating, ipinarada ni Zhuri ang motor sa madilim na parte. Bumaba na siya kapagkuwan at hinintay si Sven na makarating dahil wala pa ito.

Ilang sandali lang, nakita na niya ang kotse nitong paparating. Ipinarada rin nito ang kotse sa madalim na parte. Matapos, lumabas na at nagtungo agad sa kanya.

"Sorry, I kept you waiting," wika nito nang makalapit.

"It's okay, Sven," tugon rito. Huminga si Zhuri ng malalim bago magsalita ulit. "Let's start," aniya na ikinatango nito.

Sabay nilang binuksan ang earpiece na suot. "Code Bloody girl, check." Panimula niya.

"Code Dark, check." Si Sven.

[Code Erech, check.] Ani Erech. [Papunta na ang mga tauhan niya riyan kasama ang mga nakuhang bata.]

Napatango silang dalawa ni Sven sa sinabi ni Erech. Naghintay sila Sven at Zhuri ng ilang minuto at ilang sandali lang, may nakita na silang paparating na itim na van.

[Nandiyan na sila.]

Sinundan nilang dalawa ni Sven ang limang lalaki na bumaba ng van kasama ang dalawang batang nakuha.

Patagong naglakad si Zhuri palapit sa mga ito, pati na rin si Sven. May mga puno kaya doon sila nagtatago upang makalapit sa limang lalaki.

Napataas ang kilay ni Zhuri nang makita na may tinawagan ang isang lalaki sa cellphone nito. Makalipas lang ng isang minuto, bumukas na ang tinutukoy nilang pinto ng underground.

Kinuha na niya ang isang pistol gun na may nakalagay na silencer. At nang pumasok na ang mga ito at bago pa maisara ang pinto... Mabilis silang pumasok ni Sven sa loob at pinagbabaril ang limang lalaki gamit ang silencer nilang baril.

Akmang sisigaw na ang dalawang bata dahil sa nangyari ng senyasan ni Sven ang mga ito na wag mag-ingay.

Nagtungo si Sven sa dalawa at sinabing... "Don't worry, you two are now safe. May naghihintay sa inyo sa labas na ang pangalan ay Erech, sumama kayo sa kanya at ibabalik niya kayo sa mga magulang niyo. Understood?" Malumanay na sinabi nito sa mga bata.

Agad namang tumango ang dalawa at patakbong lumabas dahil magsasara na ang pinto.

"Where are you, Erech?" Tanong ni Zhuri sa linya.

[Outside. Nakita ko na sila. Continue your mission and of course, goodluck.] Tugon ni Erech na ikinatango lang nila ni Sven.

Nagsimula na sila Zhuri at Sven na maglakad at minabuti na walang makakita sa kanila.

Agad na nagtago sila ni Sven nang may dumaan na isang tauhan. Akmang liliko na ito papunta sa gawi ni Zhuri nang sikuhin niya ito. Napaatras ang lalaki sa sakit at bago pa man makagawa ng ingay, nabaril na ni Sven ito sa ulo.

Tumingin siya rito. "It's time for us to separate," pabulong na wika rito.

Tumango ito. "Be careful," anito at una ng naglakad papunta sa isang hallway.

WickedTempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang