Chapter 71

66 2 0
                                    

Wedding






NAGMAMADALING pumunta si Zhuri sa banyo para sumuka sa inodoro.

Kuso!

Hindi niya na alam ang nangyayari sa kanya. Napapadalas na ang pagsusuka niya tuwing gigising ng umaga o kaya pag hindi gusto ang amoy ng pagkain o ano pa man.

"Are you really okay?" Nag-aalalang tanong ni Erech kay Zhuri nang masaksihan ang pagsusuka niya at lumapit para hagurin ang likod niya. "Should we cancel your wedding today?"

No!

Nang matapos si Zhuri sa pagsusuka ay naghilamos na siya ng mukha at nagmumog at nag toothbrush. "Of course, no. Okay lang ako," kalmadong sagot niya sa kaninang tanong ni Erech nang matapos na mag toothbrush.

Hindi pwedeng i-cancel ang kasal. Matagal na niyang hinintay ito tapos ika-cancel na lang basta?

Napabuntong-hininga si Erech at hinayaan na lang siya. Alam kasi nito na kahit suwayin pa siya ay hindi naman siya susunod.

"Basta, sabihin mo kung may masama sayo, ah?" Paninigurado nito at tumango naman si Zhuri. "Sige, tara na. Nag-aantay na ang make up artist sa labas," anyaya na nito at unang lumabas ng banyo.

Ilang sandali muna napatingin si Zhuri sa salamin na kaharap niya. Ang putla ng labi niya ng bumaba ang tingin niya sa labi niya.

Tsk!

Hinayaan na lang niya iyon dahil ma-make up-an naman siya at lumabas na ng banyo. Agad na nakita ni Zhuri ang make up artist at hair stylist na halatang nag-aalala base sa mukha.

Nakita kasi ng mga ito na sumugod siya sa banyo para sumuka kaya malamang na nag-alala.

"I'm fine," pagpapakalma niya sa mga ito at umupo na sa dressing table chair.

Tumango na lang ang make-up artist at hair stylist, walang sinabi, at sinimulan na siyang make up-an at talian ang buhok.

Habang inaayusan si Zhuri ay may pumasok ulit na artist. Nail artist naman.

Inayusan naman nito ang kuko niya. Halos hindi na magkakilos si Zhuri sa ginagawa sa kanya. Paano ba naman kasi, sabay-sabay.

Nang bumukas ulit ang pinto. Hindi na rin niya matingnan ang pumasok dahil kailangan hindi siya malikot... Pero kahit hindi tingnan, alam naman ni Zhuri kung sino.

"Wow! You look so beautiful, Bloody!" Komento ni Agartha nang makita siya.

"Siguradong maglalaway si Sven pag nakita ka," komento naman ni Trace.

Madami pa ang mga ito na sinasabi tungkol kay Zhuri kahit hindi pa siya tapos mag-ayos.

Napa "Tss.." na lang siya at hinayaan na lang ang mga ito.

Palibhasa tapos na mag-ayos kaya ang kukulit na. Aniya sa isipan at hinintay na lang na matapos rin siya.

Ilang minuto ang lumipas. Nang matapos na ay doon lang si Zhuri nakahinga ng maluwang. Hindi niya pa nakikita ang sarili niya sa salamin dahil nakatakip ang salamin na kaharap niya. Surprise daw dapat, mamaya na raw tingnan ang sarili pag nakabihis na.

Tumayo na siya at lumapit sa gown niya. Bago pa man niya masuot iyon ay may pumasok ulit ng silid. Ang ina niya na si Akiara.

Nakangiti ito, at nang makita siya ay mas lalong lumapad iyon. "Are you really my daughter?" Biro nito at lumapit sa kanya. "Watashitachi no suekko wa totemo utsukushī." Our youngest is so beautiful. Namamanghang sambit nito.

WickedWhere stories live. Discover now