Chapter 76

65 4 0
                                    

Vengeance (Part 1)







HINIHINGAL NA napadikwas ng bangon si Zhuri mula sa malalim na pagkakatulog. Nang maalala ang nangyari sa kanya, nagsimulang magsitulo ang luha mula sa mata niya at napalibot ng tingin sa paligid.

"Hey, It's okay you're safe now. I'm here." Nanginginig ang katawan na napatingin siya sa nagsalita.

Nang makita si Sven ay napatulala siya rito. "P-Panaginip lang ba ito? D-Dahil kung oo wag n-niyo na ako gisingin." Tuloy-tuloy na ang paglaglag ng ilang butil ng luha sa pisngi ni Zhuri. Para iyong sirang gripo na walang tigil.

Napapikit siya ng marahang haplusin ng asawa niya ang pisngi niya. "Nandito na ako, hindi na kita iiwan." Ani Sven sa malambing na boses.

Napahaguhol na si Zhuri ng iyak nang yakapin siya ni Sven. Ramdam na ramdam niya ang pangungulila sa asawa. "W-Wag mo ko iwan... A-Ayoko na... Isama mo na ako..."

Hindi na ni Zhuri kaya, hindi na niya kaya ang paghihirap na dinadanas niya simula ng mawala si Sven.

Lalo siyang napahagulhol nang yakapin siya nito ng mahigpit. Miss na miss na niya ang yakap na iyon, ang mainit na yakap ng asawa. "Sshh.. tahan na. I'm alive, darling. Buhay ako," ani Sven at sinubukan patahanin uli siya.

Umiling-iling si Zhuri, hindi naniniwala. Alam niyang patay na ang asawa niya. Panaginip lang ito. Ayaw na niyang lokohin pa ang sarili niya.

"A-Ayoko na Sven... Kunin mo na ko, kunin mo na kami ni baby." Nang masabi ang huling salita. Napatigil siya nang may pumasok sa isipan niya.

Dumapo ang tingin ni Zhuri sa tiyan niya at marahan na hinawakan iyon. "Ang b-baby natin.." gumagaral na boses niyang sabi at umiling-iling sa naiisip.

Hinarap siya ni Sven at marahan na hinaplos ang tiyan niya. "Shh.. the baby is fine. The baby is alive." Napatingin siya rito ng sabihin iyon.

Ilang sandali siyang natulala sa sinabi nito bago dumapo muli ang tingin niya sa tiyan. Pinakiramdaman ni Zhuri kung nandoon pa ang baby nila. Nang maramdaman nandoon pa ay napaiyak na naman siya.

Yinakap siya muli ni Sven pero humiwalay siya rito. Walang pag-aalinlangang sinampal niya ang sarili kung totoong buhay nga ang asawa niya at hindi siya nananaginip. Kung totoong ligtas na siya at hindi na siya gagalawin pa ni Ruchmore.

Parang baliw na pinagsasampal ni Zhuri ang mukha niya kahit hindi pa magaling ang mga sugat. Agad naman siyang pinatigil ni Sven at yinakap ulit. Kasunod niyon ay saktong may pumasok sa silid.

Hindi ni Zhuri pinansin ang pumasok, patuloy siyang humagulhol nang pumasok sa isipan niya ang ginawa ni Ruchmore. Ang paghaplos nito sa pribadong parte ng katawan niya, ang paghalik nito at paglalaro sa dibdib niya.

Diring-diri si Zhuri sa sarili. Kung totoong buhay nga si Sven, kahit may anak sila ay iniisip niya na hindi na siya tanggap nito kundi ang anak na lang nila.

Nakakadiri siya. May nakatikim sa kanya bukod sa asawa niya. May nakagalaw sa kanya.

Patuloy lang si Sven sa pagyakap sa kanya kahit tinutulak na niya ito dahil sa pandidiri sa sarili.

Naramdaman niyang may tumutulo na sa balikat niya. Nang malaman niyang umiiyak na rin ito ay unti-unti siyang tumigil sa ginagawa.

Nakita na rin ni Zhuri kung sino ang mga pumasok sa silid dahil luminaw na ang paningin niya na kanina ay lumalabo dahil sa mga luha. Ang mga kapatid niya ay nakatingin sa kanila ni Sven. Kita niyang umiiyak rin ang mga ito.

"S-Sven..." Nanghihinang tawag niya sa pangalan ng lalaking nakayakap pa rin sa kanya.

Humiwalay ito sa yakap nang maramdamang kumalma na siya kahit konti at hinarap siya. Hinaplos nito ang pisnging pinagsasampal niya kanina.

WickedOpowieści tętniące życiem. Odkryj je teraz