Chapter 74

65 3 0
                                    

Alive






DEVON WOKE up, he frowned when he saw where he was. Nasa isang kwarto siya, nakahiga sa kama. Hindi niya alam kung na kaninong kwarto siya.

Dumapo ang tingin niya sa isang kamay niya nang may maramdamang nakakabit. Nakita niyang nakakabit sa kanya ang VI. Sumagi sa isipan ni Devon ang nangyari matapos niyang iligtas si Verity.

Akmang susundan niya si Verity para tumakas na rin nang may bumagsak na malaking chandelier sa harapan niya, sanhi na ikinaharang ng dinaraanan niya papunta kay Verity na palabas na ng venue.

"Fuck," Devon cursed and looked around to see if there was another way out.

Napaubo si Devon sa lakas ng apoy na kumakalat sa paligid niya. Akmang maglalakad pa sana siya nang may maramdamang humawak sa balikat niya.

Mabilis na napatingin siya roon. Nang makita ang lalaking naka itim na hindi niya kilala... Kakalabanin niya na sana nang magsalita ito.

"Glad I found you, Mr. Daveroux. Isa po ako sa mga tauhan ni Ms. Reena," pagpapakilala nito sa pormal na tono.

"Reena?" Kunot-noong tanong ni Devon at napaubo ulit dahil sa usok.

"Reena Hazatora." Napatingin siya sa isa pang nagsalita.

Napataas ang kilay niya nang makita si Pibs na may takip sa bibig para hindi makalanghap ng usok.

"I will explain it to you later. We need to get out of here first." Dagdag nito na ikinatango niya ng walang pag-aalinlangan.

Devon needs to get out. Kailangan niya balikan si Zhuri... Ang asawa niya.

Sinundan niya si Pibs at inalalayan naman siya ng isang tauhan nito na kaninang nagpakilala sa kanya.

Hindi ni Devon alam kung saan sila pupunta, pero alam niyang kahit saan sila magpunta ay may apoy pa rin kaya napapa ubo siya.

Akmang maglalakad ulit siya nang mapahinto dahil sa nasaksihan niya. Nadaganan ng mga mabibigat na kisame ang tauhang umalalay sa kanya. Akmang tutulungan niya nang sumenyas ito na 'huwag'.

"Go, Mr. Daveroux. You need to be alive," sagot nito na ikinailing niya.

Devon was known as heartless, pero iba na ngayon. He changed.

Akmang tutulungan ni Devon ito nang may magsalita. "Sven! We need to go! Lumalaki na yun apoy!" Napatingin siya kay Pibs nang sabihin iyon.

Napaawang ang bibig niya nang makitang may pinindot ito sa pader at nahati sa gitna ang sahig.

Underground.

Napatingin siya uli sa lalaki at natuptop ang bibig niya nang makitang patay na ito. Wala na siyang magawa kundi sumunod na lang kay Pibs. Maglalakad na sana siya nang may umalingawngaw na putok kung saan.

Dahan-dahang bumaba ang tingin ni Devon sa dibdib niya nang makaramdam ng sakit. He saw blood on his body. It was three shots, so three bullets entered his body.

Bago pa siya tuluyang mawalan ng malay. May nakita siyang dalawang lalaki na bumuhat sa kanya at sinubukan rin paputukan ang bumaril sa kanya.

Fuck.

Magsasalita na sana si Devon nang may oxygen mask pala siyang nakakabit. Tinanggal niya iyon at dahan-dahang umupo sa kamang hinihigaan niya.

Sakto naman pag-upo niya sa kama ay bumukas ang pinto ng silid at iniluwa roon si Pibs.

"I am glad you are awake." Wika nito at lumapit sa kanya.

"Where am I?" Tanong niya agad sa kalmadong boses.

WickedDonde viven las historias. Descúbrelo ahora