Chapter 26

85 5 0
                                    

I like him






BITBIT NI Zhuri ang basket na puno ng strawberry palabas ng strawberry farm. Hindi mawala-wala ang ngiti niya sa labi.

"Are you having fun?" Tanong ni Sven sa kanya nang makalabas na sila ng tuluyan.

Dahan-dahan siyang tumango. "Yep, ikaw?"

"Oo naman," sagot agad nito na nakangiti at nakatitig sa kanya na para bang siya lang ang tao sa mundo.

"Oo naman? Eh, pinipicturan mo nga lang ako," aniya sabay irap.

Natawa lang si Sven sa sinabi niya. Kapagkuwan, "Ibabalik ko lang itong DSLR camera sa sasakyan. Dito ka lang, okay? Wag kang lalayo," paalam nito at naglakad na paalis. Hindi hinintay ang sagot niya.

Napabuntong-hininga si Zhuri at nailing na lang dito. Akmang maglalakad siya nang may kumalabit sa balikat niya.

Nilingon niya iyon at tinaasan ng kilay ang isang lalaki. Nakasuot ito ng hawaiian shirt at black pants, may straw hat pa itong suot sa ulo.

Ngumiti ito sa kanya at yumukod na para bang reyna siya. "Napakagandang binibini kahit naka maskara. Maaari pa kitang yayain kumanta gamit ang gitara?" Maginoong tanong nito.

Sasabihin na sana ni Zhuri na 'hindi' nang ibigay na nito ang gitara sa kanya at nagsimulang maghiyawan ang mga tao sa paligid nang makita siya.

Napaawang ang bibig niya. Shit! Wala akong alam na kanta!

Gusto niyang sabihin sa lalaki na ayaw niya, ang kaso... ang mga tao ay mapilit.

Gusto niyang pagbabarilin ang mga ito dahil sa ingay at kakulitan. Buti na lang naisip niyang inosente at walang kalaban-laban ang mga ito. Hindi kasi siya pumapatay ng inosente na walang kalaban-laban.

Walang magawang pumunta si Zhuri sa stage. Tamad na tamad siyang umakyat ng hagdan.

"Maaari mo bang tanggalin ang maskara mo?" Tanong ng isa namang lalaki sa kanya na ganoon din ang suot. Uniform ang nasa isip ni Zhuri nang makita na pare-parehas ang suot ng mga ito.

"Hindi," maikling niyang sagot at umirap sa mga ito.

Walang magawang pumunta na siya sa gitna ng stage at umupo sa upuang naka-handa katapat ang microphone.

Tumingin muna siya sa mga taong nakatingin sa kanya. Halos lahat, dahil pati ang mga dumaraan ay napapahinto para makinood.

Maganda naman siguro boses ko 'no? Tsk! Bahala na!

Huminga siya ng malalim at ipinikit ang mga mata para isipin kung ano ang kakantahin kahit wala naman siyang alam na kanta.

"Can I go where you go? Can we always be this close forever and ever? And ah, take me out, and take me home forever and ever. You're my, my, my, my Lover..." Kanta niya ng iyon ang maisip. Iyon lang ang pumasok na kanta sa utak niya dahil iyon pa lang ang kantang napapakinggan niya.

Iminulat ni Zhuri ang mga mata at tumama iyon sa gwapong lalaking nakatingin sa kanya, naka krus ang braso at pinapanood siya. Si Sven.

Iniwas niya ang tingin dito at inisip ang susunod na lyrics. "Ladies and gentlemen, will you please stand? With every guitar string scar on my hand. I take this magnetic force of a man to be my lover. My heart's been borrowed and yours has been blue. All's well that ends well to end up with you. Swear to be overdramatic and true to my lover. And you'll save all your dirtiest jokes for me. And at every table, I'll save you a seat, lover.." Naghiyawan ang mga tao kahit hindi pa si Zhuri tapos.

WickedHikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin