Chapter 21

91 4 0
                                    

Special Mission






IMINULAT ni Zhuri ang mga mata nang tumama ang haring liwanag sa mukha niya galing bintana. Kinusot-kusot niya muna ang mga mata bago bumangon sa kama.

Nagtungo siya sa banyo para maligo. Ilang minuto siyang nakababad sa bathtub bago nagpasyang umahon.

Nagsuot lang siya ng bathrobe at kinuha na ang cellphone na nasa bedside table.

[Hello?] Sagot nang nasa linya na si Erech. Tinawagan ni Zhuri ito dahil may gusto siyang gawin habang wala pa silang mission.

Simula pa kagabi masama ang pakiramdam niya, gustong pumatay ng tao dahil sa inis.

"I want a special mission. Now," sabi niya na may diin sa huli.

Ilang sandaling natahimik si Erech sa linya dahil sa sinabi niya. [Did I hear it wrong?] Hindi makapaniwalang tanong nito.

"I already said it. I don't want to say it again, Erech."

[It just that... Geez! This is the first time na sinabi mo na gusto mo ng special mission. Are you sure? Baka kakagising mo lang. Maligo ka at nang mahismasan ka.]

Mariin napapikit si Zhuri sa dami nitong sinasabi. "Ikaw na lang kaya patayin ko? Para wala ng special mission?" Naiiritang sinabi niya na ikinatawa ng kabilang linya.

[Chill! Punta ka rito before mag hapon. Ibibigay ko sayo ang mga details about sa mission mo. Wait—ikaw lang am I right? Or kasama—]

"Ako lang," putol niya sa sasabihin nito. Daming satsat.

[Okay. Sige, bye na,] paalam nito at binaba na ang linya.

In-off na ni Zhuri ang cellphone at nagtungo na sa walk in closet para magbihis.

Matapos magbihis, kinuha niya ang maskara at ang dalawang kulay pula at itim na katana na naka display. Inilagay niya iyon sa katana bokken shanai foam sword na nakasabit sa likod niya.

Matapos sa lahat, lumabas na siya ng silid at nagtungo sa kusina para magbreakfast. Nag kape lang siya dahil wala siyang ganang kumain.

Matapos, lumabas na siya ng mansion at sumakay sa kotse niya na nasa garahe.

Mabilis na pinaandar ni Zhuri iyon papunta sa base nila ni Erech. Nang makarating at ma-park, pumasok na siya sa bahay at nagtungo sa silid ni Erech.

Nakita niya agad ito pagkabukas ng pinto. Nakasuot ng eye glasses ang mga mata, at seryosong nakatutok sa computer.

Tumikhim siya para maagaw ang atensiyon nito. Napatingin ito sa kanya at nang makita siya, ngumiti ito ng tipid. "Andito ka na pala," ani Erech sa kanya at dumapo ang tingin sa likod niya. Kung saan nakalagay ang dalawang katana. "Hmm... You have a problem huh.."

Hindi ni Zhuri ito pinansin. Nagtungo siya sa sofa at pabagsak na umupo.

Napasinghal naman si Erech sa ginawa niya at binigay na ang folder na naglalaman ng makapal na papel. Misyon na kailangan gawin sa ibang bansa.

Sa ibang bansa ginaganap ang special mission, at siguradong iba't ibang bansa ang mapupuntahan ni Zhuri dahil dito.

Kinuha niya ang folder at tiningnan isa-isa.

"Pili ka na lang diyan sa lima kung sino ang gusto mong patayin," wika ni Erech na naka krus ang braso sa dibdib habang nakatingin sa ginagawa niya.

"Pili? Bakit pipili?" Saad niya at ngumisi ng mala demonyo.

Agad namang na gets iyon ni Erech kaya umirap ito sa kanya. "Whatever. Kung saan ka masaya," tanging na sabi sa kanya at bumalik na sa swivel chair nito.

WickedWhere stories live. Discover now