CHAPTER 17

2.2K 89 13
                                    

CHAPTER 17

“THIS crap did this!” Bulalas ni Hugo at binagsak ang kanyang iginuhit na imahe ng lalaking gumawa ng gulo sa bazaar.

“He looks ordinary,” pagmamasid ni Gael.

“Mukhang ordinaryo lang. I know, sigurado naman hindi magpapakita ang amo niyan. Kaya kailangan ikalat ang mukha na ito. I will contact Chino and Colin about this.”

“Kahit huwag na po, sir! Ako na lang,” pagprisinta ni Jamie. Nagkatinginan naman si Gael at Hugo dahil sa sipag ng dalaga.

“I can do that, Jamie. Wala ka ang tulog mula kahapon,” saad ni Gael at kinuha ang ginuhit ni Hugo.

“Kaya ko, Gael. I promised to work hard in this organization,” tugon nito kaya naman sumenyas siya kay Gael.

“Let her do that…” utos ni Hugo at tumayo.

Para bang ayaw paalisin si Hugo sa warehouse dahil nakatanggap siya ng tawag mula sa tauhan sa loob ng Police Department.

“What?” iritableng sagot ni Hugo mula sa kabilang linya.

“Sir, please see my email now. This is about the students who smoked weed inside the school.”

Kaagad binaba ni Hugo ang linya at bumalik sa kanyang upuan. Nilalaro pa rin niya ang kanyang pluma habang ang dalawang alagad ay pinagmamasdan ang kilos niya.

“The issue inside the school was denied by the Director. Talagang pinagtatakpan pa ang illegal na ginagawa ng mga kabataan doon,” asar na sinara ni Hugo ang laptop at halos magiba ang lamesa dahil sa suntok nito. 

Napaatras ang dalawang alagad dahil nagsisimula na naman uminit ang ulo ni Hugo.

“Make this pictures in public! Kung ayaw umamin sa malambing na usapan, kuhanin sa santong paspasan. Nagpapakahirap ang magulang nila para makapag-aral sila pero sa droga napupunta ang baon nila!” Biglang tumayo si Hugo at kinuha ang attache case.

“Saan po kayo pupunta?” tanong ni Jamie.

“Just do your job! Don’t mind me, Jamie!” Singhal niya.

Hinawakan lamang ni Gael ang braso ni Jamie upang pakalmahin din ito dahil sa labis na takot.

“When he’s in the mood, he’s like an eagle pero kapag nagalit siya, daig niya pa ang tigre na gustong mangagat. Hinay-hinay ka muna, Jamie. Marami ka pang kailangan aralin kung paano pakisamahan si Sir.”

“Pero si Belle na isang ordinaryong babae at walang ambag sa buhay niya, kaagad niyang pinagkakatiwalaan at iniwan pa sa bahay niya.”

Kunot-noo si Gael at tiningnan si Jamie. “There’s something special about her kaya ganoon. Sooner or later, you will know him very well. He’s kind, huwag lang gagalitin. He hates ruined plans, kaya ayaw siyang pagalawin ni Don Vito hangga’t hindi pa nakakakuha ng ebidensya. Kasi siguradong uunahan niya ito kahit may mamatay pa.”

   Sakay ng bullet proof van si Hugo upang makabalik sa kanyang bahay. He needs to see Belle again if she’s okay now. Dahil ayon sa driver hindi na muna inihatid ang dalaga pabalik sa bahay nito. Mabilis lamang ang kanyang biyahe kaya naman heto’t pinagbuksan siya ng gate ng mga gwardya. 

As he opened the door, unang pumukaw sa atensyon ni Hugo ang nalaglag na saging sa sahig. Napangisi ang binata at dinampot ang saging.

“It looks like she saw me,” bulong niya at nagmadaling pumasok sa loob ng sariling kwarto. He locked the door and put his bag above the table. Lumapit si Hugo sa kanyang secret button sa loob ng cabinet at unti-unti niyang pinanonood ang pagbubukas ng itim na pader.

EL HOMBRE MAFIA: Franklin HugoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon