CHAPTER 16

13.9K 294 74
                                    

CHAPTER 16

MAGKABILANG kamay ni Belle ang nakahawak sa baso habang pinanonood sa karinderya ang nangyaring pagsabog.

"Mainit na balita ngayong tanghali! Akmang aatakihin ng bagong sindikato ang Feeding Program ng dating Heneral Jacob sa Bagong Nayon, may kinalaman ba ito sa mga Mafia organization na kanilang kinalaban dahil nandoon din ang dating Heneral Don Vito Valentin? Maayos na nailikas sa maayos na lugar ang mga dumalo sa programa. Sinisiguro rin ng PPD ang seguridad ng dating Heneral at iba pang pwedeng madamay." 

"Akala ko bang tapos na? Bakit parang nagsisimula na naman sila?" Bulong ni Belle at sinimulang kumain.

Nagmamatyag at patuloy pa rin nakatingin si Jamie sa kilos ni Belle. Hindi mawala sa kanyang isipan kung saan niya nakilala o natagpuan ang pamilyar na mukha ng dalaga.

"Saan ba kita nakita? Pamilyar talaga ang bilog niyang mga mata," bulong ni Jamie. 

"Bayad po!" Biglang tayo ni Belle at binigay ang kwarenta y pesos na bayad.

Akmang susunod si Jamie pero bigla niyang narinig ang tawag mula kay Hugo. "Boss? Boss okay ka lang?"

"How's she? Sinong kasama niya?"

"She's alone."

"Alone? Sigurado ka?"

"Sir okay ka lang? Hindi ka naman ba nasugatan?"

"I'm still hot. Teka nasaan si Belle?"

"Kumain po sa karinderya. Bihis na bihis mukha pong maglilibot."

"Okay. Give me the location."

Tuluyang tinungga ni Hugo ang isang basong alak bago lumabas ng bahay. He felt bad about what happened. This is his first mission in the Philippines at malapit pa ito sa dating grupo na ginagawa ng kanyang ama kung kaya't gusto niyang mapuksa na ito ng tuluyan. Hindi maganda ang timpla ni Hugo at para itong bulkan na gustong sumabog. He can't think clearly, that's why he decided to see her.

Nagkalat ang mga nagtitinda sa buong kalsada dahil sa nagaganap na bazaar. May banda na tumutugtog at dagsa ang mga taong bumibili.

Nilibot ni Belle ng paisa-isa ang tindahan hanggang sa makakita siya ng magandang bag.

“Ang ganda naman nito? Sakto kapag pumasok na ako bilang kolehiyala…” sinukat pa ni Belle ang bag sa likuran niya at nagsalamin ng paulit-ulit. “Ate, magkano po pala ito?”

“Dalawang libo iyan, original kasi at galing mismo sa factory niya.”

“Ah ganoon ba?” tila nanghihinayang ang dalaga dahil pinipigilan na rin niyang maging magastos sa luho. Bukod sa mahal ang graduation fee pati na ang tuition fee kapag siya ay nag-aral muli.

“May tawad pa ba?”

“Wala na, ma’am. Tapat na po iyan.”

Tumango na lang si Belle at binitawan ang gusto niyang bag. Muling tumuloy ang dalaga at lumapit sa mga nagtitinda ng damit. Walang kamalay-malay ang dalaga na may nakasunod na mga mata sa kanya.

“Yes sir, ano po ang sa iyo?” tanong ng tindera.

“That bag,” diretsong sagot ni Hugo pagkatapos ay inabutan ng pera ang nagtitinda. Mabilis niya itong binalot at binigay kay Hugo.

Muling sumunod ang binata at lahat ng sinukat ni Belle ay kanyang binili ng patago.

“Jowa mo ba sir?” tanong ng tindera.

“Hindi…”

“Nililigawan pa lang? Sasagutin ka niyan!”

“Shut up, mind your own business,” masungit na sinabi ni Hugo pagkatapos ay tinalikuran ang tindera. 

EL HOMBRE MAFIA: Franklin HugoWhere stories live. Discover now