CHAPTER 29

1.7K 100 23
                                    

CHAPTER 29

UMIIYAK at hindi pa rin tumitigil ang luha ni Belle habang nakatingin sa plane ticket pabalik ng Manila. Ang natirang pera na kinita niya sa Red Light District bar para sa kanyang graduation fee ay nagastos para lamang makauwi. 

Mapait ang ngiti ni Belle habang naghihintay tawagin ang flight number niya. "Akala ko ito na. Biglang bawi na naman pala. Lord naman, babalik na naman ba ako sa buhay ko bilang server? Akala ko ito na talaga."

"Flight Z2934 going to Manila. Please proceed to gate four now.

Sa pagtayo ni Belle, muli siyang tumingin sa paligid. She's still expecting Hugo to follow her.  Pero mali ang inaakala niya. Hanggang sa pagsakay ng eroplano, walang Hugo ang humabol sa kanya.

"Hindi ko rin naman siya masisi. Nakilala lang naman niya ako sa kung saan. Malamang, sa ganoon klase ng tao mayaman pagkatapos makapangyarihan, madali lang naman niya akong itapon. Sino nga ba kasi ako? Wala nga akong naging ambag. I'm just a stranger."

Kalahating oras ang nakalipas at nakalapag ng maayos ang eroplanong sinasakyan ni Belle sa Manila. Nagmadali lang ang dalaga na lumabas ng airport at dumiretso ng tren papuntang Red Light District. Walang ibang mapuntahan ang dalaga dahil hindi rin naman niya alam ang pasikot-sikot ng bahay ni Hugo. Tanging matatakbuhan lamang niya'y si  Donya.

"Oh? Belle! Kumusta ka?! Naku naman bakit ngayon ka lang nagpakita?"

"Sorry po, akala ko talaga okay na ang nakita kong trabaho. May availabe pa po ba?"

"Oo meron naman! Basta ikaw! Si Jamie?"

"Mukhang dito na rin po kami ulit."

"Halika sa opisina."

Isinama siya ni Donya papasok sa opisina upang mas magkarinigan silang dalawa.

"Pwede po bang makitulog sa bar? Maglilinis na lang ako, Donya. Pagkatapos ng duty nila. Wala lang akong matulugan."

"Hindi ka naman iba. Sige na… ay teka? Kumain ka ba?"

"Hindi pa po."

"Sige at lumabas ka na muna para kumain. Hintayin mo ako doon."

Laking pasasalamat ni Belle na may tumulong pa rin sa kanya sa kabila ng paglayas niya kay Hugo. Sa paglabas ng dalaga. Muli na naman niyang nakita ang gulo sa loob ng bar. Maingay at napapalibutan ng usok. Sinuot din ni Belle ang sumbrero upang walang makakilala sa kanya.

"Belle, ito ang sisig. Kumain ka muna tsaka matulog ka na muna sa opisina. Halatang pagod na pagod ka."

"Salamat po talaga, Donya."

Kalunos-lunos ang itsura ng dalaga at mabilis na inubos ang pagkain pagkatapos ay dumiretso sa opisina ni Donya upang matulog. Wala rin siyang balak tawagan si Jaica dahil madaling araw na rin.

Nakatulala lamang si Belle sa ceiling habang hawak ang labi. Sumagi pa rin sa isip niya ang halik ni Hugo. "Hindi… nadala lang siya. Walang dapat alalahanin muli, okay?"

HINDI nakatulog at panay ang biling ni Hugo sa kanyang kama. Nakatingin pa rin siya sa baso na pinag-ininuman nila ni Belle. 

"Sigurado naman nakauwi na siya. Wala rin naman sinabi ni Manong Boyet at Charm sa akin… pero bakit hindi nga nila sinabi sa akin?" 

Biglang napabalikwas si Hugo at lumabas ng kwarto upang mapuntahan ang kwarto ni Belle. Sa pagpasok niya, ganoon pa rin at makalat ang paligid. Kunot noo ang binata dahil hindi dinala ni Belle ang mga gamit na binili niya lalo na ang bag na kanyang niregalo noon sinusundan niya ito sa bazaar. Umupo lamang ang binata sa kama ni Belle at kinalkal ang laman nito.

EL HOMBRE MAFIA: Franklin HugoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon