CHAPTER 45

1.7K 113 20
                                    

CHAPTER 45

Ilang minuto ang nakalipas at nahimasmasan si Belle bago dumating si Manong Boyet kaya naman dinala lang ni Hugo si Belle sa kwarto niya.

“Jaica,” tawag ni Hugo.

Gusto man umiwas ni Jaica at idahilan na siya’y nagmamadaling umalis pero heto at hinarang siya ni Hugo. “Yes, boss?”

“Bakit may trauma si Belle?”

Napalunok si Jaica, “Trauma niya po iyan dahil sa ilang beses na tinapon siya pabalik-balik sa ampunan.”

“No, she’s afraid of guns. I mean, sa tunog ng baril.”

“Hindi ko po alam, hindi naman po kasi kami nagkasama sa ampunan.”

Biglang kunot-noo si Hugo dahil sa naging sagot ni Jaica. “Akala ko bang nagkakilala kayo sa ampunan, bakit nag-iba ang sagot mo?”

“Ay opo, kaso hindi po kami close ni Belle noon. Nagkita na lang po kami ulit sa Red Light kasi nga po tumakas lang din ako ng ampunan,” pagsisinungaling niya. Tila naghihintay ng himala si Jaica na maniwala si Hugo sa sinabi niya.

“Okay. Have a safe trip in Cebu. Don’t worry about your security. My right hand is there, hindi ka niya pababayaan.”

Tumango si Jaica ngunit bago tuluyang tumalikod si Hugo, kinalbit niya ito kaya naman humarap muli ang binata. “What?”

“Hindi ko alam kung ano ang namamagitan sa inyo ni Belle. Nananahimik siya at ayaw niyang sagutin kung may relasyon nga ba talaga kayo? Pero isa lang pakiusap ko, ingatan mo siya at huwag hahayaan na mag-isa. Belle isn’t just a friend for me, she is my family.  Katulad ng proteksyon na ginagawa mo rin sa akin, salamat dahil pakiramdam ko na walang mananakit sa akin. Salamat sa pagkakataon at oportunidad ng bagong buhay.”

Tumango si Hugo ngunit hindi niya maintindihan kung bakit lumuluha si Jaica. “I love her more than you'll ever know, Jaica. Our relationship is secret for now, dahil ayokong matulad sa sinapit ng kaibigan kong si Vito at Cassandra. He almost lost his wife and son. The world is dangerous, maraming nakatakip ang mukha gamit ang isang maskara upang itago ang kanilang tunay na pagkatao. I love your friend, and I am willing to kill just to protect her at all costs.”

Napalunok si Jaica nang makita kung gaano kasinseridad si Hugo sa mga sinabi nito.

“I’ll go ahead, Mr. Franklin.”

Tumango lang si Hugo hanggang sa tinalikuran niya ito upang puntahan si Belle.

Sa paglapit niya sa kanyang nobya, nabigla na lang si Hugo dahil sa paghawak ni Belle sa kanyang kamay with her words, “Don’t leave me… he might kill me.”

Mas lalong nabigyan ng pagkakataon si Hugo na malaman kung paano niya matutuklasan ang tunay na pagkatao ni Belle.

    “I will stay by your side, hindi kita iiwan,” he whispered and left a kiss on her forehead.

TAWA nang tawa si Allan habang pinanonood ang kanyang sarili na nagtatago sa tunay na pangalan ni Joseph. Elias ngunit ang apelyido na Morales ay parte lamang ng registration name para sa Plantera Incorporated. 

“Sir, mukhang paniwalang-paniwala sila Don Vito at Jacob sa drama ko!”

“Eh ‘yung Franklin Hugo na kasosyo ni Mr. Tan?”

“Hindi masyado, mukhang mailap.”

“Really? You can visit him tomorrow at his office. Give him food, gifts or whatever to win his heart. Bigatin ang taong iyan. He got prestigious name kaya ligawan natin,” utos ni Joseph.

EL HOMBRE MAFIA: Franklin HugoWhere stories live. Discover now