CHAPTER 4

12.5K 198 8
                                    

CHAPTER

ISANG ingay mula sa makinarya ang nagpagising kay Belle. Minulat niya ang kanyang mga mata hanggang sa mapansin ng dalaga na nakadapa siya at nakatali ang buong katawan.

“Ahh! Aray! Ang sakit!” Biglang sigaw ni Belle nang maramdaman ang paghiwa sa kanyang balakang. 

Tinatapyas paunti-unti ang laman  niya kaya ramdam ni Belle ang hapdi at sakit. 

“Turukan niyo nga ng pampatulog, napaka-ingay!” Sigaw ni Tonio.

“No, Tonio. Hayaan mong maramdaman niya ang sakit at hapdi,” tugon ni Henry habang pinanonood kung paano tahiin ang kanyang kapirasong laman.

“Tama na! Ang sakit!” Sigaw ni Belle habang umiiyak.

Lumapit si Henry at hinaplos-haplos ang buhok ni Belle. “You can’t escape, Belle. Kahit saan ka magpunta, malalaman at malalaman ko kung nasaan ka,” maamong sinabi ni Henry at hinalikan ang kanyang pisngi.

“Hayup ka! Demonyo ka! Tigilan niyo ako!”

Iyak lamang nang iyak si Belle pati na ang kanyang katabi dahil sa dinaramdam na sakit. Walang awa ang mga ito at basta na lang silang iniwan.

Lumipas ang ilang minuto na pagkakadapa, napansin ni Belle na may tumatawag sa kanya.

“Psst!”

Inangat ni Belle ang ulo upang lumingon hanggang sa makita ang isa rin dalaga. 

“Anong ginawa nila sa atin?” Tanong ni Belle.

“Tinahi nila ang kapirasong laman sa balakang ko.”

“Ganoon din ako. Pero para saan iyon?” tanong ni Belle.

“Baka isang marka na hindi na nga tayo makakakawala rito,” umiiyak na sinabi nito.

“Anong pangalan mo?”

“Jaica, ikaw?”

“Belle...”

“Gusto ko nang umuwi, Belle..”

“Ako rin naman, pero paano? Siguradong mahahanap nila tayo. Tingnan mo na at hindi pa tayo makakawala sa pagkakatali.”

“Pag-usapan natin kapag alam na natin ang transaksyon nila rito,” saad ni Jaica.

Nagdaan ang ilang araw na pamamalagi ni Belle sa loob ng warehouse. Natutunan niyang humawak ng lanseta, baril at ilang granada kung paano ito gamitin. Naging magkalapit na kaibigan din sila ni Jaica.

“Jai, kumikirot pa rin ang balakang ko sa tuwing lumalapit ako kay Henry,” reklamo ni Belle at umupo sa lapag habang hawak ang isang baril.

“Ganoon din ako. Kung pwede lang natin paputukin ang ulo nila, gagawin ko.”

“Kailan daw ba tayo itatapon sa kalsada?” tanong ni Belle.

“Hindi ko rin alam. Kapag nangyari iyon, hindi rin tayo makakatakas, Belle.  Nakita mo ba ang ilang bata na pinatay nila at basta na lang sinunog na parang basura? Lahat ng iyon ay nagtangkang tumakas. Ayoko pang mamatay kaya mas gugustuhin ko na lang na nandito.”

Umiling si Belle at hinawakan ang kaparehong madungis na kamay ni Jamie.

“Aalis tayo rito. Hindi magtatagal ang buhay natin dito. Siguradong makakagawa tayo ng paraan para utakan sila.”

“Malakas ang loob mo, Belle.. Hindi ko kayang lumaban, natatakot ako.”

“Lalaban nga tayo, makakaisip ako ng paraan taga mo sa bat—”

EL HOMBRE MAFIA: Franklin HugoWhere stories live. Discover now