CHAPTER 34

1.3K 94 7
                                    

CHAPTER 34

PANAY ang tingin ni Belle sa kanyang cellphone dahil hindi niya alam kung  tatawagan niya si Hugo.

"Hinga ng malalim, Belle. Hello… hello, Frank? Sir pa ba? Kunin ko lang sana ang gamit ko… ah! Ang pangit naman!"

Tinapon ni Belle ang sarili sa kama at muling tiningnan ang litrato ni Hugo sa cellphone niya. "Bakit sa lahat ng taong nakilala ko, ikaw ang mahirap i-approach? Ang hirap mong kausapin kasi pakiramdam ko ipapahiya mo ako kapag nagkamali ako! Ugh! Kainis! Bahala na nga!"

Belle finally dialed his number. Panay ang kagat niya sa daliri habang naghihintay.

Mula sa loob ng warehouse, pinagmamasdan lang ni Hugo ang pangalan ni Belle sa cellphone niya. "No, don't answer. She just stepped my ego!  Hindi niya pa ba nakuha ang ibig kong sabihin kanina? Kahit maglustay pa ako kahit magkano basta nasa bahay ko lang siya? Or kasama ko siya? Pero bakit hindi niya iyon na gets? Is she slow enough or numb?!" Bulalas ni Hugo habang inaaway ang cellphone. 

Sa hindi inaasahan na pangyayari, Hugo accidentally pressed the declined button.

"Fuck! What should I do?" Ayaw niyang tawagan si Belle kaya naman naisipan niyang  i-text na lamang ito dahil 

"The driver will pick you, just wait."

Napanganga na lamang si Belle dahil ang bilis mag-iwan ng mensahe ni Hugo. Kaya naman nakapagdesisyon siyang maligo at mag-ayos. 

Thirty minutues later, Belle awkwardly entered the house of Hugo. Napansin na rin niyang may mga maleta sa paligid.

"Hija, aalis ka na ba talaga?" Salubong ni Manong Boyet.

"Eh opo. Nakakahiya kasi kay sir Hugo. Si Manang Karing po?"

"Eh nagluluto ng kainan."

Napansin din ni Belle na  nandoon ang mga katulong sa kusina. "Kainan? Ano po ang meron?"

Akmang sasagot si Manong Boyet ngunit bigla siyang nasingitan ni Manang Karing. "Para sa 'yo! Happy Birthday!"

Nagkatinginan si Manong Boyet at Manang Karing.

"Bakit mo sinabi? Mapapagalitan tayo kay Sir," pabulong na sinabi ni Manong Boyet kay Manang Karing.

"Para naman sa kanya iyan! Ewan ko ba kay sir, pinacancel pa. Napaka kunat kung umibig."

"Excuse lang po, hindi niyo naman kailangan maghanda. Aalis na rin naman po ako."

"I thought you  had already left?" Sabat ni Hugo.

Napatingin si Manang Karing at Manong Boyet dahil sumulpot si Hugo.

"Aalis pa lang," yumuko si Belle at hinatak ang maleta 

"Sir, hindi ko na po ba iluluto? Sayang kasi dahil nasimulan na namin," tanong ni Manang Karing.

Nagsalubong ang kilay ni Hugo. "Itapon niyo na lang," masungit nitong sinabi pagkatapos ay tinalikuran lamang sila.

Tila uminit ang tainga ni Belle dahil sa sinabi ni Hugo. "Pagkain itatapon? Napaka mapagtapon mo naman ng grasya! Ang daming nagugutom, porke't marami kang pera pambili magsasayang ka na!"

Nagkatinginan si Manang Karing at Manong Boyet dahil sa pagsigaw na sinabi ni Belle.

"Seriously? Can you please leave my house? My money, my rules!"

Hindi nakasagot si Belle dahil  sa baritono ngunit may diin na boses ni Hugo.

"Hija, ingat ha!" Paalam ni Manang Karing kaya naman hinatak na ni Manong Boyet ang maleta ni Belle.

Sa pagsakay nila ng sasakyan, hindi mapakali si Belle kaya naman tinapik niya ang balikat ni Manong Boyet. 

"Bakit ang sama ng ugali ng amo mo?"

"Naku ma'am, hindi po. Sadyang mainitin lang ulo niya."

"Talaga? Part pa iyon ng mainitin? Samantalang iyong sagot niya kanina sobrang nakakapang-akyat dugo."

"Pasensya na, Ma'am. Sobrang maraming bitbit na problema lang si sir kaya ganoon siya kung umasta.  Kaya po sana huwag niyong masamain ang sasabihin ko… eh for the longest time I served him, ngayon lang siya nag-uwi ng babae sa bahay. Madalas sa bar lang 'yan."

"So you mean one of a kind ang treatment niya sa akin?"

"Siguro po."

"One of a kind na pala ang sigaw-sigawan."

Hindi nakakibo si Manong Boyet dahil pareho lamang sila ni Hugo na mainitin ang ulo. Pagkatapos  mamatay ng unang nobya ni Hugo, ni minsan ay hindi na ito nakikipag-usap ng hindi mainit ang ulo. Palaging galit at kung akala mo'y lalamunin ka para lamang tumiklop at sumunod.

Mula sa loob ng tahanan ni Hugo,  pikit lamang ang mga mata niya habang iniisip ang dalaga. Gusto niyang bawiin ang mga sinabi pero hindi na naman niya magawa. He's afraid of rejections kaya naman pinangungunahan niya ito ng init ng ulo. 

Kalaunan, Hugo heard his phone. Maagap at sinagot niya ito kaagad. "Hello, Gael?"

"Sir! Malubha ang tama ni Jamie!"

Napabalikwas si Hugo mula sa kanauupuan at tumakbo palabas ng kanyang bahay. Natigil si Manang Karing nang mahuli ng kanyang mga mata ang pagtakbo ni Hugo.

"Sir Hugo, saan ka pupunta?"

"Jamie is hurt!"

"Hijo! Mag-ingat ka!"

Tinapik lamang ng binata ang balikat ni Manang Karing pagkatapos ay pumunta na siya ng warehouse.

Kinakabahan dahil ito na ang kinatatakutan ni Manang Karing, ang pakikipaglaban muli ni Hugo. Ilang beses na rin itong kamuntikan mapuruhan pero sa awa ng Panginoon at lakas ng katawan nito'y palagi niyang nalalagpasan ang masidhing pagsubok.

A few moments later, natagpuan na lamang niya si Jamie na nakahiga.

"What happened?! Bakit hindi ka man lang nagpasama sa mga tauhan natin?"

"Sir, hindi ko po inaasahan na marami sila. Sumusunod lang namam po ako. Sa isang maliit na sindikato. Inaalam ko kung kanino sila naglilingkod."

"You stay here in the warehouse! Kami ni Gael ang kikilos. Huwag kang magpadalos-dalos dahil kapag ikaw ay naputukan ng gobyerno! Magkakanda loko ang plano namin ng El Asesino! You need to be careful kung ayaw mong burahin kita sa mundo!"

Galit na binagsak ni Hugo ang pintuan kaya naman bumuhos ang luha ni Jamie.

"I did my best para sa lahat. Bakit kasalanan ko pa? Nagtatrabaho ako para sa organisasyon na ito!"

"Why do you act like this, Jamie? This is part of our job. Do you like our boss? Kasi lately napansin ko na gusto mong palagi ka niyang  napapansin. You always compare yourself, his treatment between you and Belle. Jamie, I'm sorry to say this all over again. Isa tayong gwardya ng El Hombre. Hindi isang tao lang ang binabantayan natin. If Hugo wants Belle to be part of his life, gagawa siya ng paraan, kilala ko siya dahil handa siyang magpakabaliw at pumatay para lang sa babaeng mahal niya. Kaya binabalaan kita, if you feel something jealousy about Belle. Maghinay ka dahil si Boss ang makakalaban mo. I am working in Tagaytay pero dahil sa mali mong ginawa iniwan ko ang trabaho ko roon."

"Do not assume things that aren't true. Malaki lang talaga ang utang na loob ko kay sir Hugo. I don't care about Belle. Iniingatan ko lang ang amo natin dahil stranger si Belle.

"All of us are strangers, tandaan mo iyan."

Hindi nakakibo si Jamie hanggang sa iwan siya ni Gael. Akmang didiretso si Gael sa opisina ni Hugo ngunit natigil ang binata nang marinig ang isang tawag.

"What?!"

EL HOMBRE MAFIA: Franklin HugoWhere stories live. Discover now