CHAPTER 77

1.3K 117 17
                                    

CHAPTER 77

PAGPASOK ni Franklin sa kanyang sasakyan nakita na lamang niya ang notification sa cellphone. Si Vito ito kaya naman kaagad niya itong sinagot.

“Frank, Jacob is awake. The good news is, gusto niya nang isuplong ang anak niyang si Joaquin. Kamuntikan siyang atakihin sa puso ulit dahil sa mga balita na inihain sa kanya.”

“Thank you, Vito. But for now, please leave everything to me. I have access now at maraming pinlanta na bomba sa paligid.”

“Thanks for this, bro. Kumilos na ang Pulisya at De Luna. Please be careful, ililigaw ko na muna sila para magkita kayo ng mga sindikato.”

“I will.”

Sa pagbaba ng linya, sinundan lamang ni Franklin ang mapa kung saan panay ang umiilaw na bilog. Dito nakatugma ang dapat niyang puntahan. Walang takot at tila’y yayakapin niya ang kamatayan sa pakikipaglaban sa batalyon na kalalakihan.

Pinagsabihan nga niya si Charm na huwag siyang pakialam pero heto at nagbigay pa rin ng backup kasama si Gael. Kahit malubha ang tama ni Jaica, sumama pa rin siya at hindi kailanman pababayaan sa misyon ang amo nang mag-isa.

Mula sa kabilang dako panay ang sigaw ni Belle habang pinipilit niyang tanggalin ang posas sa kanyang kamay. Hatak-hatak ni Joaquin ang kanyang buhok habang sila ay papasok sa isang tagong warehouse.

“Yoohoo, Joseph! I’m back! I have a gift for you!” Sigaw ni Joaquin habang bitbit din ang baril na niregalo ni Cassandra kay Belle.

“You are a traitor!” Sigaw ni Joseph. “Napapalibutan ka nang mga tauhan ko! Talagang sumugod ka pa rito!”

“Pantay lang, kung ilang batalyon ‘yan, doble ang akin!” Maloko niyang sinabi pagkatapos ay tinaas ang kamay kaya naman naglabasan ang kalalakihan. 

Napaatras si Joseph dahil lakas loob pa talaga siyang sinugod sa mismong planta ng Plantera.

“And it smells bad here, Joseph. Baka naman sumakit ang t’yan ni Ms. Annabelle sa mabaho mong warehouse!”

Duguan ang bibig ni Belle habang nakatingin siya sa mata ni Joseph. Tahimik lamang ang dalaga habang nag-iisip kung ano ang dapat niyang gawin. 

“I’m his weakness… ako dapat ang maging pain para malapitan ko siya,” she whispered.

“Joseph! Joseph! Help me!” Sigaw ni Belle.

Napatingin si Joseph hanggang sa ang mga mata niya’y nabibighani pa rin sa ganda ng mukha ni Belle. “Bring her down. What do you want? Ibigay mo si Belle sa akin.”

“Really? Akala ko ba takot ka kay Joseph? Eh bakit sa kanya ka nanghihingi ng tulong,” wika ni Joaquin.

“Please, I’m begging you! I can help you to get everything from Franklin! Marami akong alam tungkol sa kan—” halos mabali ang likuran ni Belle nang bigla siyang binalibag ni Joaquin sa gitna.

“Don’t fucking hurt my queen!” Bulalas ni Joseph kahit hirap pa ito sa paglalakad.

“Aba! Sinimulan ko na ang laro, at nasa gitna si Belle. Unang makakuha sa kanya, swertihan na lang.”

Nagdidilim man ang paningin ni Belle ngunit nakakita siya ng isang transparent wire sa buhangin. Habagya niya itong hinatak kaya naman napansin niyang tila is itong patibong  sa pwesto nila Joaquin.

“I am the most wanted, but I am the most powerful syndicate here! Tanga nga ng tatay ko! Tinanggap pa ako? I almost killed him before, parang ngayon lang din! And no one can stop me from this revenge!” Sigaw niya.

EL HOMBRE MAFIA: Franklin HugoWhere stories live. Discover now