CHAPTER 36

1.8K 110 11
                                    

CHAPTER 36

Nakahiga at nararamdaman na ni Hugo ang pawis na pumatak sa kanyang leeg. Pagmulat ng mga mata nito'y wala si Annabelle sa kanyang tabi. Bumangon at nakaramdam ng gaan ng pakiramdam si Hugo dahil sa himbing ng tulog niya.

"Belle?"

"Good morning," nahihiyang bati ni Belle na halos kalalabas lang ng banyo.

"Come here," utos ni Hugo at tinapik ang binti."

"B—bakit."

"Come here."

Sumunod naman ang dalaga hanggang sa kumandong siya sa binata. Napangiti na lang si Hugo nang maamoy niya ito. Halos papakin niya ang leeg ni Belle hanggang sa ihiga niya ito.

"How's your sleep?"

"Hindi ako gaano nakatulog."

"Why? Is there something bothering you?"

"Wala naman... masakit lang ang hita ko."

"Sorry."

"Ha? Anong sorry? Bangon na, linggo ngayon. Gusto kong lumabas."

"Let's have a date."

"Date?"

"Yeah... ni hindi man lang kita nailabas."

"Okay lang naman."

"Not okay. You are my queen," wika ni Hugo hanggang sa bumangon ito.

Halos kainin ni Belle ang hibla ng kumot dahil sa sobrang kilig. He was like a greek god. Napakagwapo at ganda ng hubog ng pangangatawan.

"Ang... ang perfect naman niya... ang bango pa," bulong ni Belle.

"I will just take a bath, Belle."

"Okay, take your time."

Habang nasa higaan, napansin na lamang ni Belle ang cellphone ni Hugo. Umiilaw ito hanggang sa makita ang unsaved number.

"Hello?" Sagot ni Belle.

Mula sa loob ng El Hombre's warehouse, bahagyang nagulat si Jamie nang marinig ang pamilyar na boses ng isang babae.

"W—where is he?" Patanong na tugon ni Jamie.

"Ah... naliligo siya. Sino ito? Sasabihin ko na la—"

Pinutol ang linya at tinago ni Jamie ang cellphone pagkatapos ay bumangon. She felt jealousy while walking.

"Naliligo? It means magkasama nga sila."

Papalabas ang dalaga ng mapansin niya na halos kababalik lamang ng mga tauhan ni Hugo.

"Gael? Saan kayo galing?"

"We searched for the syndicate that wanted to kidnap Jaica. Hindi namin nahanap kung saan sila nagtago. Hindi rin ako nakakuha ng feedback kay Sir."

"She's with Belle. Paano ka niya tutulungan? Mukhang binakuran ng babaeng iyon ang amo natin kaya hindi kayo nabalikan."

"Watch your mouth, Jamie. Ilang beses na kitang binabalaan na mag-ingat ka sa pananalita mo lalo na kay Belle."

"Whatever, Gael."

"You stay here. Wala pang inutos si Sir na lumabas ka."

"Fine!"

Padabog na bumalik si Jamie kaya naman nagmadaling bumiyahe si Gael papunta ng mansyon. Inuwi nila kagabi sa isang hotel si Jaica dahil ayon sa mga gwardya, nagpalipas ng gabi si Hugo sa dormitory ni Belle.

EL HOMBRE MAFIA: Franklin HugoWhere stories live. Discover now