CHAPTER 67

1.3K 96 18
                                    



CHAPTER 67

FLASHBACK

Hernando, every woman inside the Church wants him to be tempted. Kilala si Hernando na isang matulungin at pinaka matinong Pari. Ngunit sa kabila ng maamo at maagaan nitong mukha ay isang lalaki na meroon kakaibang ugali.

He can hide behind the words or God. His white clothes that cover his dark animalistic desires to women. Tila isang hunyango kung magbalat kayo ang ama ni Franklin.

Ang baho niya sa loob ng simbahan ay hindi kayang ilabas ng mga madre dahil sigurado na ang kapalit ng kanilang pagsiwalat sa katotohanan ay ang buhay nila. Father Hernando is addicted to women. Bata, matanda ay kanyang pinapatulan. Pero madalas dito ang mga madre ang kanyang paborito.

They established an orphanage for orphans, ngunit ang hindi nila alam na ang iba doon ay kanyang anak. Kasangga niya sa maruming gawain ang malapit na kaibigan na si Cristobal Carpio. From small orphanage until they established El Padres. Dito na mas lalong lumawak ang kanilang kasamaan hanggang sa kinuha na nila ang mga bata sa kalsada upang pagkakitaan into child trafficking.

Ginamit nila ang mga taong nananalig sa kanila upang mapagtakpan pa lalo ang baho na kanilang tinatago. Ngunit buong akala nila Hernando at Cristobal na magtatagal ang samahan na ito hanggang  sa isang babae lang ang sisira sa kanilang kasamaan.

It was the nun who they loved, pinag-agawan na parang laruan hanggang sa magwagi si Hernando. 

He left the El Padres to live with this nun, pero naging tuso at mas naging demonyo si Cristobal dahil sa kagustuhan na mapasakanya rin ang madre na ito.

“I want to live peacefully, Hernando,” takot na takot niyang sinasabi dahil kahit lumayo na sila ni Hernando, heto at patuloy silang hinahabol ng mga Mafia Lord, bukod pa kay Cristobal.

Hindi naging tahimik ang buhay ng pamilyang Hugo gawa din ng pansariling kagustuhan na mamuno—hanggang sa mag-abot si Cristobal at Hernando,  dito natapos ang kanilang buhay. 

Buong akala nila Manang Karing at Manong Bernard o mas kilala sa tawag na Manong Boyet, iyon lamang ang naging kasamaan ng kanilang amo. Ngunit hindi nila alam na ang dugo’t laman ni Hernando na si Mylaflor ay kanyang binayaran para lamang hindi ito magsalita na isa siya sa mga naging anak nito sa mga madre ng simbahan. Dahil tanging si Mylaflor lamang ang naglakas loob na lapitan si Hernando, ngunit panay naman ang tanggi nito dahil para sa kanya, laruan lamang ang mga babae.

Hanggang sa lumaki si Franklin at tumapak ng kinse anyos, bitbit pa rin nila ang lungkot na wala na ang parehong magulang. He was  trained to hold guns for their business ngunit nang makilala niya si Sister Mylaflor na may napakalayong edad sa kanya, nagkaroon siya ng interes na maging Pari.

He’s longing for motherly love, malapit si Franklin Hugo sa mga kababaihan kaya madalas siyang napagkakamalan noon na binabae. Hanggang sa dumating sa puntong nakapasok siya bilang Pari. Pinaka bata at pinaka hinangaan ng lahat. Patuloy niyang pinagpilitan ang sarili kay Mylaflor kaya naman kahit labag sa loob ng dalaga na mahulog sa kadugo ay tuluyan niya itong inibig.  Dala-dala niya ang konsensya dahil sa pera na tinapal ng kanyang yumaong ama na hindi siya kailanman tinuring na kadugo; na kahit anong gawin niya na ipamukha sa kanilang ama ni Franklin na isa rin siya sa mga anak nito, hindi pa rin siya kinilala at mas pinahalagahan si Franklin.

    Hanggang sa umusbong sa grupo ng mga international syndicate na may anak si Hernando, hindi nila ito tinigilan hanggang sa malaman ng mga kalaban na ang tunay na pangalan ng lider ng El Padres ay Hernando. Kaagad nilang imbestigahan si Franklin dahil sa mga bulung-bulungan na ito ay blood related kay Hernando  at doon ginimbal ng mga sindikato ang binata sa simbahan. 

EL HOMBRE MAFIA: Franklin HugoWhere stories live. Discover now